Thursday , June 4 2026

Ilang miyembro ng UPGRADE, nagnegosyo na

DAHIL hindi pa makabalik ng Japan at ipinagbabawal pa ang mga event katulad ng mallshows, provincial shows, at TV guestings, naisip ng ilang miyembro ng UPGRADE  na pasukin na rin ang pagnenegosyo at gamitin ang kanilang naipon.

Katulad na lang ni Mark Baracael na may sariling siomai stall, ang Master SisigMister Siomai and Siopao, at distributor din ng Palm Oil sa Brgy. Sta. Anastacia, Santo Tomas City, Batangas.

Ang leader ng grupo ng UPGRADE na si Casey Martinez ay may sarili namang clothing line, ang Switch Limited at Pizza business na Matster Pizza (fb&ig: @MasterPizzaPh), sa Tugatog, Meycauayan.

Habang ang lead vocalist naman nilang si Armond Bernas ay nagtayo ng tapsilogan, bulalo, at pares, ang Kain tayo PARᵉS sa  MRH Site 4 Tala, Caloocan City.

Ang taga-Palawan na member nilang si Ivan Lat ay nagtayo ng Milk Tea store, ang Tempteang Milktea sa Brgy 1 Roxas Palawan (Facebook/Instagram ko @TempteangMilktea).

Umaasa at nananalangin ang UPGRADE na maging maayos na ang lahat para makapag-show na sila muli at makabalik na ng Japan.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …