Thursday , December 26 2024
tubig water

Kapos na tubig nagbabanta, pangmatagalang solusyon ikasa — Imee

MULING nanawagan si Senadora Imee Marcos sa gobyerno na resolbahin ang sigalot sa negosasyon sa pagitan ng mga komunidad ng mga tribong apektado ng Kaliwa Dam project, bunsod ng nararanasang kakulangan sa suplay ng tubig at paghahanap ng pangmatagalang solusyon dito para sa Metro Manila at mga karatig lungsod.

 

Binigyang diin ni Marcos, sa kabila ng mga pag-ulan sa nakalipas na buwan, patuloy sa pagbaba ang suplay ng tubig sa Angat Dam na mas mababa sa 180 meters minimum operating level mula pa noong Huwebes, malayo sa highest level nito na 204.5 meters na naitala noong Enero.

 

Babala ni Marcos, kapag hindi nagtuloy-tuloy ang pag-ulan posibleng masagad ang suplay ng tubig sa Angat Dam sa critical level nito na 160 meters pagsapit ng Nobyembre, sakaling magtuloy-tuloy ang kasalukuyang rate ng nababawas na tubig.

 

“Once and for all, latagan na natin ng solusyon ang matagal nang problema sa tubig ng Metro Manila, short at long-term,” ani Marcos, na umaapela sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Public Works and Highways (DPWH), at National Commission on Indigenous Peoples (NCIP).

 

“‘Yung translation sa mga dokumento ng proyekto ay matagal nang hiniling ng mga Dumagat na daan sa mas malinaw na negosasyon at siyang magbibigay sa kanila ng malaya at pangunahing kaalaman ng pagsang-ayon o consent alinsunod sa batas,” dagdag ni Marcos.

 

Iginiit ng senadora, noon pang Agosto 2019 ginawa ang request sa pagdinig ng Senate Committee on Cultural Communities na kanyang pinamumunuan.

 

Binanggit ni Marcos na 32 indigenous communities sa mga munisipalidad ng General Nakar at Infanta sa probinsiya ng Quezon, na pinangungunahan ng kanilang tribal leader na si Marcelino Tena, ang nagreklamo nitong weekend matapos silang hindi isama sa distribusyon ng mga translated na dokumento.

 

Iniulat ni Tena sa opisina ni Marcos, may mga police escort pang bantay ang mga Chinese na trabahador na kontraktor ng proyekto, ang China Energy Engineering Co. (CEEC) Ltd., na tuloy pa rin ang paggawa ng access roads o kalsada patungo sa site ng Kaliwa Dam sa kabila ng kakulangan ng mga permit mula sa gobyerno.

 

Nagbalik-operasyon ang gobyerno sa paggawa ng mga access road noong Mayo kahit may lockdown bunsod ng CoVid-19, taliwas sa ipinangako ng MWSS noong Pebrero sa huling pagdinig ng Senate Committee on Cultural Communities.

 

Tutol sa Kaliwa Dam project ang  Samahan ng Katutubong Agta/Dumagat-Remontado na Binabaka at Ipinagtatanggol ang Lupang Ninuno na grupo ni Tena, na hindi maiiwasang magpalubog ng pag-aaring lupain o ancestral domain ng mga katutubo at magiging dahilan pa para palayasin sila sa kanilang tirahan.

 

Kapag natuloy ang Kaliwa Dam project, ang panahong gugugulin para makompleto o matapos ang proyekto ay magpapakitang ang lomolobong populasyon ng Metro Manila na nasa halos 13 milyon na ay maaaring maharap sa kawalan ng katiyakan sa suplay ng tubig sa susunod na limang taon, ayon kay Marcos.

 

Sa ngayon, sinabi ni Marcos na maaaring maparami ang suplay ng tubig kung gagamitin ng Maynilad ang bilyon-bilyon nitong kita para bawasan ang mga leakages ng tubig o mga ilegal na koneksiyon, na 30% ng kabuuang water distribution ng kompanya ang nasasayang.

 

“Makatutulong rin ang pagbabawas sa mga nasasayang na tubig para mapababa pa ang singil sa mga konsumer, dahil hindi na nila aakuin ang lahat ng gastos sa napakalaking 30% na ‘yan,” ani Marcos.

 

“Natukoy na ng Manila Water ang Laguna Lake bilang alternatibong pagkukuhaan ng tubig, pero ang pagsasala para sa mas mainam na kalidad ng tubig ay napakahirap gawin at napakamahal. Papasanin pa ng mga konsumer ang mahal na gastusin para rito,” dagdag ni Marcos.

 

Binigyang diin ni Marcos na mas lumaki ang pangangailangan sa tubig dahil sa Covid-19 pandemic na nangangailangan ng madalas na paghuhugas ng kamay, pagligo, paglalaba at paglilinis.

 

“Bilang responsableng mamamayan, gawin natin ang ating parte para maibsan ang mga epekto ng kakapusan sa tubig. Huwag mag-aksaya ng tubig kapag naghuhugas o naglalaba, bawasan ang paliligo ng matagal o gumamit ng tabo kapag naliligo. Ihanda natin ang mga drum ng tubig at mga balde para sa pagkolekta ng tubig mula sa ulan na puwede rin magamit,” saad ni Marcos. (NIÑO ACLAN)

 

About Niño Aclan

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *