Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Philhealth bagman money

Corrupt sa PhilHealth ihohoyo ni Duterte

KINOMPIRMA ni Senate Committee on health chairman, Senator Christopher “Bong” Go na desidido si Pangulong Rodrigo Duterte na ipakulong  ang mga tiwali sa Philippine Health Insurance Corp., (PhilHealth).

 

Sinabi ni Go na isa siya sa mga nag-suggest na magtatag ng task force na mag-iimbestiga sa mga katiwalian sa ahensiya katuwang ang Civil Service Commission (CSC) para mapilayan ang mga empleyadong sangkot, habang ang Ombudsman ang bahala sa preventive suspension at pagsasampa ng kaso,  Commission on Audit (COA) para magsagawa ng  audit sa pondo at Department of Justice (DOJ)  para sa lifestyle check sa mga empleyado.

 

Aminado si Go na kailangan ng overhaul ng ahensiya base sa kanilang mga nakikitang problema sa PhilHealth.

 

Ayon kay Go, sistematiko na nakalulusot sa ibaba ang mga iregularidad na dahilan ng pagnanais ni resign PhilHealth President & CEO Ricardo Morales na i-upgrade ang IT system dahil huling-huli na hindi pa naaayos ang mga data lalo sa regional level.

 

Binigyang diin ni Go na hindi niya matanggap na halos walang katapusan ang problema sa PhilHealth.

 

Sa termino ni Duterte ay limang president/CEO na ang kanyang naitatalaga.

 

Dagdag ni Go, ayaw niyang  dumating ang panahon na hindi matutulungan ng PhilHealth ang mahihirap na Filipino dahil wala na itong pondo bunsod ng korupsiyon.

 

Umaasa si Go na silent worker ang bagong itatalagang President/CEO ni Pangulong  Duterte at malilinis nito ang ahensiya at maibabalik ang integridad ng PhilHealth. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …