Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Will Ashley, inip na sa bahay; gusto nang kulitin si Jillian

DAHIL hindi pa muling nagte-taping ang hit afternoon serye ng GMA 7, ang Prima Donnas na bahagi si Will Ashley, nami-miss na niya ang mga katrabaho.

Kuwento ni Will, “Nakakamiss na pong mag-taping, sobrang tagal na rin naming napahinga.

“Nakaka-miss po ‘yung mga co-actor ko sa ‘Prima Donnas pati na rin ‘yung staff and crew, kasi family na ‘yung turingan namin.”

At dahil nga very vocal naman ito sa pag-amin na crush niya si Jillian Ward, tinanong namin ito na kung sobrang miss niya rin ang maganda at talented na dalaga.

“Hahaha nami-miss po, bale nakaka-miss po ‘yung PD (Prima Donnas) teens. Nami-miss ko ‘yung bonding namin doon sa taping po. Once kasi magsama-sama kami sa set talagang kulitan siya, hehehe”

Sundot pa namin, ‘so nami-miss mo nga si Jillian?’

“Lahat po ng kasama namin sa ‘Prima Donnas’ nami-miss ko po, ha ha ha,kayo po talaga.”

At dahil nasa bahay lang ngayon ang binata at wala pang masyadong raket, ginagawa niya ng busy ang sarili para hindi mainip.

“Dahil nasa bahay lang po ako ngayon, dahil wala pang taping at raket, marami po akong ginagawa para iwas inip katulad ng online class, tapos nagti- ‘Tiktok,’ live stream po, vlog at nagwo- workout para mas gumanda ang aking katawan.”

Wish ni Will Ashley na sana ay bumalik na sa rati ang lahat para makabalik na rin siya sa trabaho na halatang-halatang miss na miss na niya.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …