Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Problema ni Gabby at mga kapatid sa lupa, ‘di na mareresolba

NAMATAY na ang nanay ni Gabby Concepcion na si Maria Lourdes Arellano Concepcion, nang hindi naresolba ang problema ni Gabby at ng iba pa niyang anak sa korte dahil sa kanyang minanang property sa San Juan.

Iyong property sa San Juan, na naroroon ang dating bahay nina Gabby, ang ancestral house ng mga Arellano na rati ay tinitirahan ng kanyang lola, at iyong pinagtayuan ng eskuwelahan na noon ay pinamamahalaan ng kanyang ina at pinauupahan na ngayon, ay property lamang ng kanyang ina. Hindi iyon conjugal property dahil minana iyon ng nanay ni Gabby mula sa kanyang mga magulang.

Lumalabas ngayon na ang property ay nailipat na ni Gabby sa kanyang pangalan. Umangal naman ang kanyang mga kapatid, lalo na nga si Mike Concepcion na nagsabing hindi dapat kay Gabby lamang iyon kundi sa kanilang lahat na magkakapatid. May akusasyon din si Mike na ang dokumento na nagsasabing isinalin na ng kanilang ina ang property kay Gabby ay peke, dahil nasa abroad ang mother nila noong panahong sinasabing isinalin iyon sa pangalan ng actor. Iyon ay notarized pa ng isang abogado sa Tagaytay, na imposible umanong pinanumpaan ng nanay nila.

Iyon ang mga akusasyon na umabot na sa isang kaso sa korte ng mga kapatid ni Gabby laban sa kanya. May sinasabi pa sila na ang kanilang ina ay binibigyan lamang ni Gabby ng P20K allowance buwan-buwan, na napakalayo sa kanyang nasisingil na rental ng eskuwelahan sa kanilang property.

Marami ang naniniwala na ang makaka-resolba riyan ay kung haharap na sa hukuman ang nanay ni Gabby, pero hindi na nga mangyayari iyon ngayon dahil yumao na siya. Mukhang hindi mareresolba kundi lalo pang lulubha ang hidwaan nina Gabby at ng kanyang mga kapatid.

 

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …