Thursday , December 26 2024

THE WHO? Tagong oligarko inireklamo sa AMLC dahil sa Offshore accounts  

NAKATAKDANG magsampa ng reklamo sa Anti Money Laudering Council (AMLC) ang isang abogado mula sa Iloilo City laban sa mga ‘tagong oligarko’ sa kanilang lalawigan matapos lumitaw na mayroon itong tatlong offshore companies sa Bahamas.

Ayon kay Atty. Zafiro Lauron ng Iloilo City, ang reklamo ay kanyang ihahain sa AMLC upang magbukas ng imbestigasyon at malaman kung saan dinala ng PECO ang umabot na sa bilyong sinisingil nito sa power consumers gayong hindi naman napagbubuti ang serbisyo at pasilidad nito sa loob ng ilang dekada.

“I will pursue this case on behalf of Ilonggos who suffered from paying electricity bills almost double of those being paid by people in Metro Manila,” pahayag ni Atty. Lauron.

Sinabi ni Lauron may ilang dekadang nagtiis ang mga residente ng Iloilo sa palpak na serbisyo at sira-sirang pasilidad ng PECO sa kabila ng pagbabayad nila ng sobra-sobrang singil sa koryente kaya nararapat lamang na imbestigahan ang mga offshore accounts nito.

Tinukoy ni Lauron ang isang report ng International Consortium of Investigative Journalists(ICU) isang  U.S.-based nonprofit organization na may global network ng mga reporters at media organizations na nagsasagawa ng pagiimbestiga sa mga mahahalagang isyu sa buong mundo, na kasama ang PECO na pagmamayari ni Luis Miguel Cacho na nagmamay-ari ng investment companies sa British Virgin Islands.

Sa pamamagitan ng Portcullis TrustNet Fund Services Ltd., isang Singapore-based company ay nagawa umano ng PECO na makapagset-up ng 3 kumpanya sa British Virgin Islands.

Ang unang kompanya ay Costa Group Investments Ltd na nakapangalan sa yumao nang si Luis Miguel Cacho, ang patriarch ng Cacho Clan ng PECO, nairehistro ito noong April 11, 2000 at may company address na Portcullis Trustnet Chambers, PO Box 3444 Road Town Tortola, Bristish Virgin Islands.

Kabilang sa Board of Directors ng kompanya sina Luis Miguel Ayesa Cacho na umaakto din bilang corporate secretary, Jose Maria E. Cacho, at isang William Michael Valtos, Jr., Portcullis Trustnet (BVI or British Virgin Islands) Lt., na nagsisilbi din na keeper of records.

Si Luis Miguel ang tumatayong Pangulo at Chief Operating Officer ng PECO habang ang anak na si Marcelo Cacho ang head ng Public Engagement and Government Affairs.

Sa tulong din ng Portcullis Trustnet Fund Services Ltd at Financial Services Company na Valtos na nag-o-operate sa Filipinas, US, at Asia ay nakapag-set-up pa ng dalawang investment company ang PECO, ang Prime Rose Technology  na nairehistro sa British Virgin Island noong October 11, 2000 na ang tumatayong shareholders ay si Jose Maria Cacho, at ikalawa ang

Mega International Services na nai-set-up noong September 12, 2000 na ang nakalista bilang shareholders ay sina Jose Maria E. Cacho at  JMEC Development Corp., habang ang PortCullis Trustnet ang nagsgsilbing keeper of records at sa registry.

Ang JMEC Development Corp ay isang kompanya na nakarehistro sa Filipinas na ang negosyo ay business management consultancy at real estate sale and development sa Iloilo City na matatagpuan naman sa 168 General Luna St., Iloilo City Proper, Iloilo City, 5000 Iloilo.

Ayon sa ICIJ, ang British Virgin Island ay isa sa pinagtataguan ng yaman ng mga mayayaman dahil na rin sa secrecy ng mga kompanyang nangangasiwa ng investments.

“A well-paid industry of accountants, middlemen and other operatives has helped offshore patrons shroud their identities and business interests, providing shelter in many cases to money laundering or other misconduct. Ponzi schemers and other large-scale fraudsters routinely use offshore havens to pull off their shell games and move their ill-gotten gains,” ayon pa sa ICIJ report.

Inilinaw ng ICIJ na maituturing na legal ang pag-i-invest sa British Virgin Islands ngunit sa nakalipas na ilang taon ay natukoy na nagagamit ang offshore economy na ito para sa money laundering, tax evasion at fraud.

About hataw tabloid

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *