Friday , November 15 2024
YANIG ni Bong Ramos
YANIG ni Bong Ramos

Pangulong Digong, Prangka’t maangas nguni’t malakas pa rin ang sense of humor  

SA IKA-5 State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipinamalas nitong muli ang kanyang pagiging prangka’t maangas ngunit ganoon pa man ay mararamdaman pa rin natin ang kanyang malakas na sense of humor.

 

Kung titingnan natin ang ating Pangulo, siguradong hindi tayo magdadalawang isip na siya ay estrikto at isang disciplinarian dahil sa napakatipid niyang ngumiti at seryoso all the way.

 

Ang kanyang pagkaprangka at ang ‘direct to the point’ niyang pagsasalita ay mga katangian niyang hindi mai-tatanggi ngunit sa kabila ng lahat ay makikita pa rin na siya ay masayahing tao at makukuha pa rin magbiro gaano man kaseryoso ang kinakaharap na isyu o problema.

 

Halos matatapos na ang isang oras at apatnapu’t isang minuto niyang SONA nang maghalakhakan ang mga tao habang pinagsasabihan niya ang mga may-ari ng TELECOS na paiigtingin niya ang serbisyo sa mga tao hanggang Disyembre kung gusto nilang maging kanila pa rin ang kompanya, nangangahulugan na may limang buwan pa sila upang magpakita ng pruweba.

 

Dito na sa puntong ito nagtawanan na may kasamang palakpakan ang madlang people nang sabihin ni Digong na kaya nais niyang palawigin ang serbisyo ng mga TELECOS ay dahil may pagkakataon daw na gusto niyang kausapin si Jesus Christ sa Bethlehem… he  he   he.

 

Of course, sino ba naman ang hindi tatawa sa kanyang mga binigkas at ito ay naganap habang sinesermonan niya ang mga may-ari ng telecommunications company na binigyan pa niya ng limang buwang ultimatum para tumupad. Iyan ang sense of humor ni Digong, galit ka na ay makukuha mo pa rin ngumiti, ‘di po ba?

 

Kapag daka ay bigla na namang nabago ang tema, balik muli sa seryoso nang himukin niya ang Kamara na muling ibalik ang death penalty sa mga taong masasangkot sa ilegal na droga.

Sa pagkakataong ito ay iilan lang ang pumalakpak na nangangahulugang ilan lang ang sumasang-ayon. Muli niyang inulit ang kanyang binigkas at dumami nang konti ang palakpakan, may sense of humor na flexible pa.

 

Ang tema ng kanyang SONA ay naglaro at naka-sentro sa lahat ng health workers na binigyan niya ng papuri at paghanga. Aniya, sila ay nagsilbing mga frontliners habang kasalukuyang nakikipaglaban sa COVID-19 ang buong bansa.

 

Sinabi ni Digong na sila ang lumalabas na mga modern day heroes. Isinasakripisyo nila ang kanilang mga sarili para sa kapakanan ng bayan at mamamayan.

 

Sa bandang huli ay naibaling ang usapan sa mga tinagurian niyang oligarch na masyado raw binibigyan ng proteksiyon ni Senador Franklin Drilon.

 

Anopaman ang naging isyu’t usapan ay maghintay na lang tayong lahat ng maganda at positibong resulta sa lahat ng binitiwang pangako ng ating mahal na Pangulo.

 

Sa kabila ng krisis na kinakaharap ng ating bansa ay hindi pa rin naman sumusuko ang ating Pangulo at mas lalong hindi pa rin siya pinanghihinaan ng loob, wait and watch lang tayo.

 

Tutal, sinabi naman niyang may dalawang taon pa siyang natitira kung kaya’t wala tayong ibang dapat gawin kundi ang maghintay at magtiwala. Sama-sama tayong manalangin na lahat ng pinagdaraanan natin sa kasalukuyan ay ating malalagpasan.

 

Bumalik tayong muli sa ating titulo na bagama’t prangka, disciplinarian, at maangas ang ating mahal na Pangulo, isipin din sana natin na ito ay maaaring maskara lang at projection of image ngunit sa kabila ng lahat ay isang masayahing tao ang ating Pangulo na may malakas na sense of humor.

 

BARRIER SA MOTOR, MALAKING KALOKOHAN

 

Hanggang sa ngayon ba ay kailangang ipatupad ang barrier sa mga motor kahit mag-asawa ang magkaangkas?

 

‘Di ba’t malaking kalokohan ito para ipatupad dahil sa kasalukuyan ay wala na halos tayong makain e uunahin pa ba ang pagbili at paggawa ng barrier?

 

Marami rin mamamayan at eksperto sa pagmo-motor ang nagsasabing ang barrier daw ay may kaakibat na disgrasya at aksidente lalo kung may malakas na hangin na masasalubong dahil ito anila ay gawa sa plastic o ‘di kaya’y fiber glass.

 

Huwag na po tayong lumayo pa, itanong na lang natin sa ating mga sarili kung kailangan pa ng mag-asawa na lagyan ng dibisyon o barrier ang kanilang mga kama, he   he  he.

 

Para naman lumaki tayong lahat sa andador at kolong-kolong partikular at lalo na ang mga heneral na pasimuno ng ordinansang ito, isip-isip din at huwag maligalig.

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *