INILUNSAD na rin sa lungsod ng Maynila ang kauna-unahang Mobile Serology Testing na magagamit sa tulot-tuloy na mass testing program ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Pinangunahan ito ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso at Vice Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa Barangay 836, Zone 91 sa Pandacan at sa Barangay 97, Zone 8 sa Tondo, Maynila.
Ang nasabing Mobile Serology Testing ay mag-iikot sa buong Maynila upang hanapin ang mga COVID patient o carrier.
Sinabi ng alkalde na balewala ang dami ng bed capacity at mga quarantine facility na itinayo ng pamahalaang lungsod kung hindi naman makikiisa ang mga Manilenyo.
Pinasalamatan ni Mayor Isko si Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Dir.
Arnel Angeles dahil sa kaniyang pagsisikap sa pagtatayo ng mga drive-thru at walk-in testing centers gayundin sa pagsasaayos ng Mobile Serology Testing Clinic. (VV)