Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Donita Nose, 1 linggo ng nilalagnat, inuubo, masakit ang ulo

NAGPAABOT  ng mensahe ang Wowowin host na si Willie Revillame para kay Michael V. matapos mapag-alamang nag-positibo ito sa Covid-19. Noong July 20 ay ibinahagi ni Bitoy (Michael V.) sa pamamagitan ng YouTube vlog na siya ay tinamaan ng kinatatakutang sakit.

 

Sa parehong araw din ay nagpahayag ng dasal at suporta si Willie sa live episode ng Tutok To Win.

 

“Gusto ko lang i-get well soon at [sana] maka-recover kaagad [ang] kaibigan natin, si Michael V. Alam ko may pinagdaraanan ka ngayon. Alay namin sa ‘yo ang aming… tanging pagdarasal ay maka-recover ka agad.”

 

“Hanga ako sa’yo dahil sinabi mo ‘yan. Lalong lalo na sinabi niya sa Facebook niya na ‘yun nga ho, naging positive siya ng COVID, at hindi natin alam kung bakit. Kaya ho ganoon katindi ‘yang COVID na ‘yan. Walang pinipili ‘yan, even ‘yung president ng ibang bansa, even ‘yung kung sino mang nanunungkulan,” dagdag pa ni Willie.

 

Samantala, naka-confine naman ngayon ang co-host ni Willie na si Donita Nose sa St. Lukes Hospital dahil sa pneumonia. Bago ito, agad nagtungo si Donita sa ospital dahil isang linggo na siyang nilalagnat. Nakaramdam na rin siya ng pananakit ng ulo, inuubo, at nagda-diarrhea.

 

Naiiyak si Donita sa nangyari sa kanya at feeling niya’y Covid-19 na nga ang sakit niya dahil sa mga sintomas na nararamdaman niya bagamat hinihintay pa niya ang resulta ng swab test.

 

Nagpaabot ng pasasalamat si Donita kina Willie at Teri Onor na nagsabing tutulungan siya sa gastusin.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Joe Barrameda

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …