Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Darwin at Enzo, palaban sa BL series na My ExtraOrdinary  

MAPAPANOOD na sa Agosto sa bago at pinalakas na TV5 ang usong-usong BL or Boys Love series, ang My ExtraOrdinary na hatid ng AsterisK Digital Entertainment at idinirehe ni Jojo Atienza.

 

Ang My ExtraOrdinary ay pinagbibidahan nina Darwin Yu at Enzo Santiago kasama sina Mikko Gallardo, Samuel Cafranca, at Philip Dulla.

 

Hindi na maituturing na baguhan sa showbiz sina Enzo at Darwin dahil si Enzo at napanood na sa ilang proyekto ng SMAC TV Productions Inc. at sa gay film na Young Love  mula sa Boy Abunda Originals.

 

Samantalang si Darwin naman ay napanood sa pelikulang Ist Sem noong 2016 na napansin ang kanyang husay sa pag-arte at na-nominate sa Star Awards For Movies 2017 at nakagawa pa ng dalawang international film.

 

Parehong palaban at handa sa maiinit na eksena sina Darwin at Enzo at kahit may kissing scene, game na game sila.

 

Hindi rin natatakot na ma-issue na bakla o may karelasyong bakla ang mga ito dahil trabaho lang naman ang ginagawa nila.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …