Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC De Vera, kinailangan nang magtrabaho dahil sa mga bayarin

HINDI ikinaila ni JC de Vera na kailangan na niyang magtrabaho dahil sa mga bayarin. Tulad din si JC ng mga pangkaraniwang Pinoy na buwan-buwan ay may kailangang bayaran. Dumarating ang monthly bill sa tubig, koryente at kung ano-ano pa. Kaya naman nagpapasalamat siya na may trabahong dumating sa kanya mula Borracho Films, ang Escape From Mamasapano na pagbibidahan nila ni Aljur Abrenica.

At kahit naka-lock-in ang shooting na gagawin sa Cavite at Batangas at medyo matagal-tagal siyang mawawalay sa kanyang pamilya, okey lang dahil, ”Siguro malaking factor ‘yung nagwo-worry na rin ‘yung pamilya ko sa anong ibabayad sa koryente, sa tubig, sa mga monthly amortization.

“Siyempre kaming mga artista rin, kahit paano, marami kaming sinusubukan na i-invest para sa future namin.

“It just so happen na dumating itong pandemic and sumabay pa ‘yung pag-close ng ABS-CBN, so nagpatong-patong talaga.

Samantala, kasabay ng ng zoomference noong Biyernes ang pagpirma nila ng kontrata sa movie outfit ng Borracho Film Productions ni Atty. Ferdie Topacio.

Parehong sundalo ang gagampanan nina JC at Aljur, sina Train at Franco. Ang pelikulang ito’y tribute para sa Fallen SAF 44. Kasama rin sa pelikula sina Edu Manzano, Allan Paule, Tonton Gutierrez, Claudine Barretto, Myrtle Sarrosa, Ritz Azul, Jojo Alejar, Kate Brios, Baby F. Go, Erika Mae Salas, Jake Ejercito, Jerico Estregan, at Vin Abrenica. 

Sa kabilang banda, tiniyak ng Borracho Film Productions na walang dapat ipag-alala ang kanilang mga artista gayundin ang production staff  dahil titiyakin nilang ligtas ang lahat laban sa Covid-19.

“Insured ang lahat ng mga artista. Hindi namin pababayaan ang mga artista at production crew. Susundin namin ang health protocols. ‘Yung isang location is part of a resort na may fourteen cottages at swimming pool. May open air, hindi sila kulob.

“Ipapasok ang pagkain galing sa safe na source. Walang problema.

“May kinuha kaming security agency to secure the perimeter. No one can get in or out,” pagtitiyak ng producer.

Si Lawrence Fajardo ang direktor ng drama-action movie na mula sa panulat ni Eric Ramos.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …