Monday , December 23 2024

Mega web of corruption: IBC-13 gatasan ng mga opisyal (Ika-walong bahagi)

ni ROSE NOVENARIO

WALANG minamantinang account sa alinmang depository bank ang government-owned and controlled corporation (GOCC) Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-13), ayon sa Finance Department ng state-run TV network.

Nakasaad ito sa 2018 Annual Audit Report ng Commission on Audit (COA).

Ayon sa Accounting personnel, inactive ang kanilang account sa isang banko dahil sa Garnishment Order ng BIR ngunit nabisto ng COA sa beripikasyon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na aktibo ang naturang bank account mula 2012 hanggang 2017.

Sinabi ng COA, ang P223.918 milyong kinita ng IBC-13 noong 2017 ay hindi nailagak sa Authorized Government Depository Bank (AGDB) kaya’t nanganib na manakaw o mawaldas.

“Alam kaya ng COA na sa bank account ng isang empleyado ng state-run TV network na may alyas na Alandon ipinapasok ang pondo ng IBC-13 kapag nailabas na mula sa Department of Budget and Management ?” sabi ng source.

Nabatid din sa COA report na ang Property, Plant and Equipment (PPE) ng state-run TV network na nagkakahalaga ng P15.092 milyon ay hindi insured sa General Insurance Fund ng Government Service Insurance System (GSIS) alinsunod sa batas ngunit ikinatuwiran ng management na wala silang pondo para gawin ito.

“Kung walang budget ang IBC-13 para sundin ang mga nakasaad sa batas, bakit tumanggap ng P2.070 milyon ang mga opisyal ng IBC-13 noong 2018 bilang Representation and Transportation Allowance (RATA) kahit walang staffing pattern ang state-run TV network?” himutok ng source.

Nabatid sa COA report, ang President at Chief Executive Officer ay tumanggap ng RATA na P50,212.92 kada buwan; at Human Resources and Admin Manager P26,028 bawat buwan.

Hanggang noong Abril, ang president at CEO ng IBC-13 ay si Katherine de Castro na ngayo’y general manager ng People’s Television Network Inc., (PTNI) at ang HR and Admin Manager ay si Corazon Reboroso na sa kasalukuyan ay pumalit kay De Castro bilang officer-in-charge.

Pareho silang kumubra ng gasoline allowance kahit may tinanggap na RATA kada buwan.

“Paano magiging ligtas sa iregularidad ang tinatarget na P1.5 bilyong DepEd project ng IBC-13 kung kuwestiyonable ang integridad ng mga nagpapatakbo nito?” sabi ng source.

Nabatid na si PCOO Undersecretary George Apacible ay isa sa mga miyembro ng Technical Working Group (TWG)  para sa nasabing ambisyosong proyekto sa DepEd, bukod kina De Castro at Reboroso.

Si Apacible dating sumabit ang pangalan sa dispalinghadong paggasta ng kagawaran sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) funds noong 2017.

Matatandaan naman na lumutang ang pangalan ni De Castro, bilang Tourism Undersecretary,  sa kontrobersiyal na P60-M advertising deal na pinasok ng Department of Tourism (DOT) sa PTNI para sa Bitag Media Unlimited Inc. (BMUI) sa programang “Bitag” ni Ben Tulfo sa PTV-4.

Habang si Reboroso ay ‘sumikat’ sa IBC-13 dahil imbes ganap na ipatupad ang regional wage hike, binawasan umano ng sampung piso ang umento sa sahod kahit kakarampot na ang naiuuwing suweldo ng mga kawani sa kanilang pamilya. (MAY KASUNOD)

About Rose Novenario

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *