NATANONG ang isang male star na nakita nilang nakatambay sa isang high end mall kung ano ang ginagawa niya roon habang ang mga kasama niya ay nagno-noise barrage sa harapan ng kanilang ipinasarang network. Ang sagot ng male star, “I have to find someone who will feed me first.”
Hindi mo rin naman siya masisisi dahil halos isang taon na siyang walang trabaho. Ubos na rin naman ang kanyang naitabing pera. Talagang problema niya kung saan siya kukuha ng ikabubuhay niya at ikabubuhay ng kanyang pamilya, at ang isa pang pamilya ng tatay niya na umaasa sa kanya.
Kaya hindi rin siya sumasama sa rally, at ang ginagawa ay “pumapasada sa mga high end malls” at sa iba pang lugar na pasyalan din ng mayayamang gays. Doon nga naman may pagkakataon siyang makakita ng magbibigay ng “ayuda” sa kanya.
Handa rin naman siyang “umayuda.” (Ed de Leon)