Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kandila ni Sarah, minaliit ng netizens (Matapos pagpuputakan)

WALA nang nakakibo nang mag-post si Sarah Geronimo ng picture ng isang kandila na sinindihan niya at itinirik sa kanilang bintana, na sinasabi niyang ginawa nila ni Matteo Guidicelli bilang suporta sa ABS-CBN. Nauna riyan, ang daming putak nang putak na walang ginagawa si Sarah ganoong nakinabang naman siya nang husto sa ABS-CBN.

 

Kung sa bagay, may mga basher pa rin na nagsabing “nagtirik din lang ng kandila, bakit naman esperma lang ang ginamit.” Eh ano ba ang gusto ninyong itirik ni Sarah sa kanilang bintana, iyong kandilang kagaya ng ginagamit sa Chinese cemetery?

 

Hindi rin mahalaga ang kandilang itinirik ni Sarah. Ang mahalaga ay iyong intensiyon ng kanyang pagtitirik ng kandila, malaki man iyan o maliit. Ang mahalaga riyan ay ang kanyang iniukol na dasal kasabay ng pagtitirik ng kandila. Sa ngayon masasabi nga siguro natin na Diyos lang ang makatutulong sa ABS-CBN, at kung ganyan nga mas mahalaga iyong isang maikling panalangin kaysa mahabang pakikipagtalakan sa gitna ng kalye.

 

Artista ka, magtatatalak ka sa gitna ng kalye, natural makakatawag ka ng pansin. Marami ang lalapit at “manonood” sa iyo. Hindi ibig sabihin pinakikinggan nila ang sinasabi mo, nanonood sila. At ano ang nangyayari, inilalagay mo pa sa alanganing sitwasyon ang kapwa mo, dahil nawawala ang personal distancing. Siksikan sila sa panonood sa iyo eh.

 

Kaya nga ibinabawal iyang mass gatherings eh, dahil talagang delikado ang Covid, at sa ganoong sitwasyon, alam mo na kung sino ang carrier ng virus o hindi?  At saka alam naman natin ang ugali niyang si Sarah eh. Sa kahit na anong sitwasyon, kalmado lang iyan. Hindi iyan ang tipong magtatatalak talaga sa kalye.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …