Thursday , May 8 2025

Dagdag sahod sa gov’t nurses kinatigan (SC pinuri ni Sen. Go)

PINURI ni Senate committee on health chairman, Senator Christopher “Bong” Go ang desisyon ng  Supreme Court para sa pagpapatupad ng dagdag sa minimum salary grade ng mga nurse sa mga government hospital matapos ang isang taon mula nang maging batas ito.

 

Sinabi ni Go, pinupuri rin niya ang Department of Budget and Management (DBM) sa paglalabas ng  Circular No. 2020-4 na magpapatupad ng Section 32 ng Republic Act No. 9173 ng Philippine Nursing Act of 2002 na magpapatupad ng dagdag minimum monthly base pay ng mga entry-level nurses, retroactive mula 1 Enero ngayong taon hanggang sa kasalukuyan.

 

Ayon kay Go, dalawang dekada itong laban ng mga nurse na sa wakas ay maibibigay na ang nararapat para sa kanila.

 

Ipinaliwanag ni Go, ngayong nasa gitna ng pandemya ang bansa, dapat maibigay ang lahat ng tulong  na maibibigay sa health workers  bilang pagkilala sa kanilang dakilang sakripisyo para sa bayan at sa mga mamamayan.

 

Matatandaang isa si Go sa mga nakipaglaban para sa inclusion ng dagdag na P3 bilyong iscellaneous personnel benefits fund of 2020 budget para mabigyan ng salary upgrade ang government nurses sa 1 & 2 positions.

 

Iginiit ni Go, malaki ang diperensiya ng suweldo ng mga nurses dito at sa abroad kaya nais niyang mapaangat ang suweldo ng mga nurse sa bansa upang hindi na lumayo sa kanilang pamilya.

 

Bukod dito, kabilang din si Go sa nagdepensa sa P7-bilyong increase para sa Human Resources for Health  Deployment Program budget ng Department of Health (DOH) para masiguro ang patuloy na employment ng health workers gayondin sa rural regions sa buong bansa.

 

Tiniyak ni Go na patuloy niyang ipaglalaban ang kapakanan ng health sector para sa mas maayos na health services sa buong bansa. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *