Saturday , November 23 2024

Caloocan, nagpasaklolo na kay Mayor Magalong

HUMINGI ng tulong si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, para sa karagdagang kaa­laman sa pagsasagawa ng  epektibong contact tracing, kaugnay sa paglaban sa COVID-19.

Kasama ni Mayor Malapitan ang kanyang mga department heads at nakipagpulong sa Baguio City Local Chief Executive sa pamamagitan ng online meeting.

Dito ibinahagi ni Mayor Magalong ang mabisang paraan ng contact tracing upang matukoy ang mga taong nagpopositibo sa COVID-19 at upang tuluyang mapigilan ito.

Ang buong bayan ng Baguio City ay may 131 COVID-19 cases kompara sa Caloocan City na lagpas sa 1,000 ang confirmed cases.

Pinasalamatan ng alkalde si Mayor Magalong sa mga impormasyong kanyang ibinahagi.

“Tayo sa Pamahalaang Lungsod ng Caloocan ay laging bukas sa mga suhestiyon na maaaring makatulong para mapigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19,” pahayag ni Mayor Oca.

Kaugnay nito, patuloy ang disinfection team sa paglilinis at sanitize sa buong Caloocan City Medical Center (CCMC) na isinara matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang medical staff nito.

Ang bawat suok ng naturang ospital ay dumaraan sa masusing dekontaminasyon para matiyak na walang virus ang pasilidad.

Bubuksan sa publiko ang CCMC sa 23 Hulyo 2020, dakong 12:00 pm.

(JUN DAVID)

About Jun David

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *