Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kara Madrid, gustong pagsabayin ang acting at singing

MULA sa pagiging lead singer ng isang banda, nag-cross over ang newbie na si Kara Madrid sa acting. Nagkaroon ito ng katuparan nang nakita siya ng Viva Boss na si Vic del Rosario.

Kuwento ni Kara, “I did Kamandag ng Droga with Direk Carlo J Caparas. Kasi before, I was co-managed with Tita Annabelle (Rama)… she saw me sa Kamandag ng Droga. Ang mga project ko kay Tita Annabelle, karamihan ay mga corporate shows, corporate events.

“Noong last birthday ko, nag-message sa akin si Tita Aster (Amoyo), kinamusta niya ako… I wasn’t really that active last year actually, kasi nag-separate ways kami ni Tita Annabelle that time. But I was doing some guestings naman sa TV like Ipaglaban Mo, I was also in Vice (Ganda) movie, The Mall The Merrier. Then iyong sa FPJ’s Ang Probinsyano, bale pulis ako roon, member ako ng Task Force Agila.”

Nabanggit din niya ang ilang projects na dapat abangan sa kanya.

Wika ni Kara, “Like yung Isla, starring Elisse Joson, Beauty Gonzales, Paolo Paraiso and many more, directed by Barry Gonzales. It’s a sexy-comedy-horror film, it’s under OctoArts Films. Tapos ay ‘yung Adarna, with Mark Anthony Fernandez, Coleen Garcia and AJ Muhlach, ito ay under Viva Films. It’s an action movie naman.”

Dagdag pa niya, “I’m also doing another horror film and mayroon din ako from Reality Entertainment, excited ako roon, kasi ako iyong lead doon.”

Ang 25 years old na si Kara ay lumaki sa Sydney, Austrlia at ngayon ay ten years na siya sa Filipinas. Mayroon siyang self titled-album, under Polyeast Records.

“May single rin ako sa Viva Records, it’s called Tayo, ang gumawa niyon ay si Nica del Rosario, na siya ring gumawa ng Tala ni Sarah Geronimo. Now, we are planning to promote it, gawan daw namin ng music video, kasi hindi ko ito na-promote noon.”

Pinaghahandaan din niya ang gagawing music video ni Lance Raymundo titled Sana, composed by Lance.

Ayon pa sa singer/actress, gusto niyang pagsabayin ang pag-arte at pagkanta.

“Siguro for me, more movies and ‘yung i-promote ang mga sinulat kong songs,” sambit niya.

Wika pa ni Kara, “Yes, pagsasabayin ko ang singing at acting, kasi most of my songs are done. So, actually naka-focus talaga ako sa mga naka-line up kong movies ngayon.”
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …