Thursday , December 26 2024

Back-to-back mobile vehicle ng Blumentritt Police Detachment pinipinahan daw mga mamimiling pedestrian

INIREREKLAMO ng ilang mamimili sa Blumentritt market ang driver at pulis na lulan ng back to back mobile vehicle ng Blumentritt detachment na umano’y ultimo pedestrian na namamalengke ay pinipinahan ng kanilang dalang mobile.

 

Sinabi ng mga mamimili na oo nga’t nagsisilbi ang nasabing sasakyan sa pagpapatabi at pagdisiplina sa mga vendor nguni’t huwag naman sanang gano’n kalupit dahil halos gabuhok Tsina na lang ay masasagi na ang mga pedestrian.

 

Puwede namn nilang gawin sa mahinay na paraan ang pagdidisiplina sa mga vendor at sana naman ay gamitin nila ang kanilang public address o megaphone at hindi puro wang-wang.

 

Ilang namamalengke na muntik nang masagi ng nasabing sasakyan ang nagsumbong sa back-up nitong foot patrol ngunit walang ibang itinugon kundi dapat daw agad silang tumabi sa oras na marinig nila ang walang tigil na wang-wang. He he he…

 

Hindi na raw sila nagtungo pa sa Blumentritt detachment dahil walang magiging silbi ang reklamo nila dahil magkakabaro ang kanilang irereklamo, sayang lang daw ang oras nila.

 

Ayon sa kanila ay tinandaan na lang nila ang body number ng sasakyan na kung hindi 149 ay 189. Sa susunod daw na makita nila ang numerong ito ay tatabi na lang agad sila upang makaiwas sa disgrasya.

 

Nais sana nilang iparating ang kanilang hinaing sa mga kinauukulan upang mapagsabihan at mapag-ingat man lang bago pa makadisgrasya, ‘di po ba?

 

BATANG MAY THYROID PROBLEM

NA LUMABAG SA QUARANTINE

PROTOCOLS, HALOS DALAWANG

LINGGO NA SA MPD-PS1

 

Kahabag-habag ang sinapit ng isang batang may thyroid problem na naaresto ng mga pulis sa paglabag umano sa quarantine protocol kamakailan sa Tondo, Maynila.

 

Sinabi ng 70-anyos na ina ng bata na naraanan daw ng mga pulis ang anak niya habang nagpapahangin sa labas ng kanilang bahay sa Mata St., Tondo, Maynila nang walang suot na face mask.

Hindi man daw sabihin sa mga pulis na may thyroid problem ang kanyang anak ay kitang-kita naman ang pruweba dahil magang-maga ang leeg at lalamunan nito.

 

Labis raw na nag-aalala ang magulang ng bata dahil baka raw sa loob pa ng presinto ito sumpungin dahil sa sobrang init ng panahon na pinakakalaban ng nasbaing karamdaman.

 

Ito rin aniya ang dahilan kung bakit wala siyang suot na face mask at kadalasan ay nakahubad. Dahil siya ay lubhang nahihirapan huminga.

 

Dumalaw daw sila sa nasabing presinto noong isang linggo at sinabi ng mga pulis at jailer na hinihintay na lang ang release order mula sa korte at lalabas na rin ng Sabado noong nakaraang linggo o nitong nakaraang Lunes.

 

Dumating ang Sabado hanggang Lunes ngunit hindi pa rin nare-release ang pobreng batang si Christopher Ocampo na nakararanas na ng masamang pakiramdam sa pangangatawan.

 

Sinabi ng mga pulis, hindi naman daw nila kinulong sa selda si Ocampo at inihiwalay sa ibang detainee bilang konsiderasyon sa kanyang thyroid problem.

 

Tutal e binigyan n’yo na rin ng konsiderasyon ang bata, hindi n’yo pa ito nilubos. Puwede namang pag-linisin ito bilang community service o bigyan ng disciplinary action gaya ng pag-eehersisyo na ginagawa ng ibang pulis at LGU.

 

Minsan naman ay prerogative ito ng station commander at case-to-case basis na rin segun sa mentalidad o sentido komun ng indibidwal, ‘di po ba sir?

 

Ang masaklap na pangyayari, hanggang sa ngayon ay naka-detain pa rin ang bata sa nasabing presinto at kailangan pa raw maglagak ng piyansa bago mai-release. Tsk tsk tsk.

 

Have mercy!

YANIG
ni Bong Ramos

About Bong Ramos

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *