Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sheena, sobra ang sungit habang naglilihi

PROUD si Sheena Halili sa supportive husband niyang si Atty. Jeron Manzanero.

 

Sa pamamagitan ng Instagram post, nagpasalamat si Sheena sa pagmamahal ng kanyang asawa.

 

Aniya, “Sa aking napakabait at supportive na asawa. Throwback photos naten oh. Mula nu’ng nag-date pa lang tayo at lahat ‘yan first. First out of the country trip [Singapore], first road trip, first time mo akong isama sa work, at ‘yung last photo, una natin date sa Tagaytay. Babe, masayang-masaya ako ikaw ang asawa ko. Napakasaya ng life ko with you. Four months na tayong mag-asawa. Walang nagbago kung hindi mas minahal kita at ramdam ko rin na mas minahal mo ako at nakakatuwa gaano ka kaasikaso sa amin ni baby.”

 

Inalala rin ni Sheena ang unang bahagi ng kanyang pagbubuntis na nagkaroon siya ng irregular mood swings at ultra-sensitivity.

 

Kuwento niya, “Grabe ‘yung kasungitan na ginawa ko sayo nu’ng second month nating mag-asawa na ‘di naten alam pareho bakit. ‘Yun pala pregnant na ‘ko kaya kagulo na hormones ko. Pero natatandaan ko na kahit sobrang difficult ko na noon, iisa lang ang sinabi mo sakin. Asawa kita, mahal kita kung ganyan ka okay lang, kaya kita!” 

 

Dagdag pa ni Sheena, ang pagpapakasal kay Jeron ang pinakamalaking desisyonng ginawa niya sa kanyang buhay.

 

Inanunsiyo rin ng Kapuso actress na malalaman na sa susunod na buwan ang gender ng kanilang baby.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …