DREAM ng recording artist/composer na si Gari Escobar na maging Total Entertainer tulad ng idol niyang si Rico J. Puno. Ito ang nabanggit ni Gari sa amin, pati na ang ang mga pinagkakaabalahan niya ngayon, bilang artist at businessman.
Pahayag ni Gari, “Gusto kong maging Total Entertainer na tulad ni Rico J. Puno at international artist na tulad ni Bruno Mars. Mahilig kasi akong mag-entertain at sumayaw at gusto kong subukan ang iba’t ibang genre ng music.
“Bakit gusto niyang maging tulad ni Rico J? “Gustong-gusto ko si Rico J. mula pa noong bata pa ako. Gusto ko sa kanya ang total package niya po. Actually, kanta niya po ang una kong ipinanlaban sa singing contest noong Grade 6 po ako.”
Pahabol pa niya, “Every morning at 8:30 am, I do FB Lives, talking about positivity, opportunities and inner strength para makatulong sa mga tao in shifting their worries and fears to positive thoughts (FB: Gari Escobar Gabrinao) na soon ay ipalalabas sa Channel 31. Every Sunday at 8PM naman po ay kumakanta ako nang Live sa aking FB page na Gari Escobar para aliwin ang aking fans.
“Right now po ay two songs ko ang tinutugtog sa 102.7 Star FM, ‘yung Baguio at Tama Na. By the second week of July ay ire-release na digitally ang aking 3rd single na ang title ay Dito sa Piling Ko. Nagpapasalamat po ako sa aking supporters na sinusuportahan po ako sa lahat ng ginagawa ko.
Nabanggit din ni Gari ang kanyang business ngayon. Aniya, “Maganda rin po ang takbo ng online business ko, iyong brand na 4life po. Sa online business ko po, we market products for the immune system at mga pampabata po.
“Ang 4Life po ay member ng DSAP (Direct Selling Assiciation of the Philippines) kung saan naparangalan po ako as Entrepreneur of the Year at Hall of Famer na rin noong 2017 po. Dahil po sa 4Life ay nabago ang buhay ko at natupad ang pangarap ko na maging recording artist. Kaya lubos po ang pasalamat ko sa Diyos dahil sa 4Life,” masayang saad pa ni Gari.
Si Gari ang nasa likod ng self-titled album mula Ivory Music na mayroong 12 cuts. Ito’y kinabibilangan ng mga awiting Baguio, Dito Sa Piling Ko, Tama Na, Habang Nandito Pa Ako, From Friends to Lovers, Hanap Ko Pa Rin, Ayoko na Sayo, Ayaw Kong Makita Ka, Hindi Ka Na Muling Mag-iisa, Isang Halik Pa, Masisisi Mo Ba, at Lumaban Ka na karamihan ay siya mismo ang sumulat.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio