Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
PNP Prison

PNP dapat magpatupad ng safety & health protocols sa sarili at sa mga bilanggo

NANAWAGAN si Senadora Nancy Binay sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ukol sa ibayong pagpapatupad ng safety at health protocols para sa kanilang mga pulis, iba pang personnel, at mga naaarestong suspek, at mga bilanggong isinasakay sa iisang sasakyan kapag dinadala sa korte.

 

Ayon kay Binay, dapat sanayin ang PNP personnel sa tamang pagtrato ng mga bilanggo lalo kapag kailangan silang ilabas.

 

Tinukoy ng Senadora, hindi lamang police stations at patrols cars ang dapat turuan kundi maging ang mga nahuhuli nilang lumalabag sa health protocols.

 

Iginiit ni Binay, kung mahigpit ang pulisya sa pagpapatupad at paghuli sa mga lumalabag sa health protocols dapat ay sumusunod rin sila rito.

 

Pinuna ni Binay ang kawalan ng social distancing sa mga bilanggong dinadala sa korte at mga nahuhuling isinasakay sa mobile car o police patrol vehicles.

 

Paalala ni Binay, bukod sa nalalagay sa peligro ang kalusugan ng PNP personnel ay higit ang mga bilanggong  magkakatabi o nagsisiksikan sa isang sasakyan. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …