Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine Mendoza, nagkapasa nang mahulog sa railing

NAG-TRENDING ang “Hala, nahulog!” video ni Maine Mendoza dahil aksidente siyang nahulog nang subukang mag-slide sa railing habang nagho-host ng Bawal Judgmental sa set ng Eat Bulaga noong June 27. Gulat na gulat ang ibang dabarkads at staff ng programa nang magdire-diretso si Maine pababa na naging sanhi ng kanyang malaking pasa sa bandang tuhod.

 

Kahit pa man nasaktan, ginawa na lang din ni Maine na katawa-tawa ang pagkakadulas sa kanyang “sLide.mp4” Twitter video na mayroon na ngayong halos 140k likes. Bagama’t marami ang napasaya ng video, may ilan ding nag-alala sa Eat Bulaga host matapos niyang i-post ang nakuhang pasa sa tuhod.

 

“Naku! Ingat ka Maine. ‘Yan pala sinasabi ni Bossing na dapat kumuha ka ng kadouble mo hehe,” anang isang netizen.  

 

Nakatakda namang ipagdiwang ng longest-running noontime show ang kanilang ika-41 anibersaryo ngayong July 31.

 

Samantala, patuloy na napapanood sina Maine at Bossing Vic Sotto tuwing Sabado sa Daddy’s Gurl sa GMA.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …