Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Erika Mae Salas passion ang musika, gustong magtayo ng music studio

SADYANG nasa dugo na ng talented na singer/aktres na si Erika Mae Salas ang musika. Ito ang napag-alaman namin nang makahuntahan namin ang magandang dalagita.

 

Kaga-graduate lang ni Erika Mae ng senior high school at nabanggit niya sa amin na naghahanda na siyang sumabak sa college.

 

Sambit niya, “Getting ready lang po for college. Hindi pa po ako sure kung saang college, pero I wanna pursue Bachelor of Music – Major in Voice Performance po.”

 

So, ganoon niya talaga ka-love ang music, na pati sa college ay ito ang gusto niyang course? “Yes po, passion ko po talaga ang music and plan ko pong magtayo ng music studio pagka-graduate ko,” wika pa ni Erika Mae.

 

Kapag college na siya, ano ang kanyang mas magiging focus, studies or singing career? “It depends po, if kaya ko pong pagsabayin. And ang kagandahan sa course ko, habang nag-aaral ako, I’m training my skills din po,” aniya pa.

 

Ano ang na-feel niya, na hindi natuloy ang mga show nila sa bansa ng The Singing Nurse na si Nick Vera Perez dahil sa Covid19?

 

“Nakalulungkot po na hindi natuloy ‘yung show. Lalo na kapag nakikita ko ‘yung pictures namin last year, hindi ko maiwasang ma-miss ‘yung team and si Tito Nick. Pero okay lang po kasi it’s for the best para sa safety ng lahat,” aniya pa.

 

Kailan daw matutuloy ang series of shows nila?

 

“As far as I know po, December 2021 ang concert with Tito Nick. Very grateful po ako kay Tito Nick, kasi lagi niya akong isinasama sa mga shows niya,” deklara pa ni Erika Mae.

 

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …