Thursday , May 8 2025
rain ulan

Ibang sakit sa tag-ulan bantayan (Sa gitna ng pandemya)

SA PAGPASOK ng tag-ulan, pinaalalahanan ni Senate committee on health Chairman Senator Christopher “Bong” Go ang sambayanan na patuloy na maging   vigilant laban sa iba pang karamdaman tulad ng dengue, diarrhea, leptospirosis at influenza sa gitna ng pandemyang COVID-19.

 

Sinabi ni Go, sa gitna ng  pagtutok ng sambayanan sa COVID-19, hindi rin dapat kalimutan ang iba pang posibleng outbreaks na umuusbong sa panahon ng tag-ulan.

 

Dapat aniyang panatilihin ang proper hygiene at kalinisan sa loob ng mga tahanan at kapaligiran.

 

Iginiit ni Go, dapat ihanda ang mga ospital at iba pang health facilities para sa iba pang karamdaman kahit nakatutok ang lahat sa COVID-19.

 

Binigyang diin ni Go, malaki ang epekto ng malinis na kapaligiran sa pag-iwas sa mga sakit kaya tama lang na gamitin  ang quarantine protocols  para maglinis.

 

Ipinaalala ng senador ang 4S (suyurin at sirain ang mga pinamumugaran ng lamok; sarili ay proteksiyonan laban sa lamok; sumangguni agad sa pagamutan kapag may sintomas ng dengue; at sumuporta sa fogging) strategy ng Department of Health (DOH) laban sa dengue.

 

Dagdag ni Go, hindi dapat magpakakampante ang sambayanan kahit pa iniulat ng DOH ang pagbaba ng bilang ng mga tinamaan ng dengue sa bansa. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

 

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

Taguig tricycle drivers inginuso si Lino Cayetano sa ‘vote buying’

ISANG grupo ng tricycle drivers mula sa Taguig ang nagsumite ng ulat sa Commission on …

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *