Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coronavirus dahilan ng long-term organ damage

ISINAMA na ang pinsala sa ilang internal organ sa mga potensiyal na masamang epekto ng COVID-19, ayon sa nga Chinese health expert.

Naging dahilan ito para palawigin ang insurance coverage para sa mga pasyente habang patuloy ang pagkalat ng sakit.

Sa mga guideline mula sa National Health Commission, kinakailangan ng ilang COVID-19 patients na naka-recover ang paglunas sa pinsala sa baga at puso, at sa problema sa pagkilos sanhi ng muscle loss, at gayondin sa mga psychological disorder.

Bukod sa pagbibigay-alam sa health workers ukol sa posibleng long-term treatment needs ng mga pasyente, iklinasapika ng mga awtoridad ang nasabing mga kondisyon bilang mga chronic disease, para payagan ang mga residente na humiling mula sa gobyerno para sa kanilang medical expenses sa ilalim ng mga government-run medical insurance scheme.

“As the number of COVID-19 patients discharged from hospital increases, the rehabilitation needs have become prominent,” punto ng komisyon sa nabanggit na mga guideline.

Inilista rin dito ang potensiyal na mental health problem bunsod ng COVID-19, kabilang ang depresyon, insomnia, eating disorders at iba’t ibang mga pagbabago sa cognitive function. Bukod dito, tinukoy din ang iba pang mga problema bilang muscle at limb-function loss.

Mayroon din mga ulat ukol sa pag-atake ng coronavirus sa balat, central nervous system at mga daluyan ng dugo o mga ugat na nagreresulta sa clogging at stroke.

Bukod pa rito, nabahala rin ang mga doktor sa pagdami ng mga kaso ng inflammatory condition na kung tawagin ay Kawasaki disease sa kabataan, na pinaghihinalaan ng mga siyentista na may posibleng kaugnayan sa COVID-19.

Kinalap ni Tracy Cabrera

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …