Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andre, pinanindigang wala siyang sex scandal — Pinalaki akong mabuti… sa Catholic ako nag-aral

“KUNG mayroon kang hang-ups sa buhay mo, huwag mong ipasa sa ibang tao.

 

“Kung may sakit ka man o hindi ka tinuruan sa pag-iisip mo, think before you click.

 

“Kasi alam mo ngayon, hindi lang dapat pinu-post mo, iniisip mo, kasi puwede mo ikapahamak ‘yan.

 

“Puwede mo ikapahamak ‘yan.”

 

Ito ang galit na pahayag ng aktres na si Aiko Melendez laban sa isang netizen na may Twitter handle na @jakolinks na nagyayabang na kapag umabot sa 25,000 ang mga follower niya sa Twitter ay ipo-post  ang sex video scandal umano ni Andre Yllana.

 

Si Andre ay anak nina Aiko at Jomari Yllana.

 

Agad na nag-live sa Facebook si Aiko nang nakarating sa kanya ang paninirang-puri ng naturang netizen.

 

Pagpapatuloy pang pahayag ni Aiko sa kanyang FB live: “Kaya hinahamon kita… ano nga pala pangalan mo ulit? Pinapasikat kita, e.

 

“Jakolinks, dapat hindi na kita in-address, pero nakakasira ito sa pangalan ng anak ko dahil ito pinalaki ko ‘to nang matino.

 

“Jakolinks, kung matapang ka, lumabas ka.

 

“Kung may sex scandal ka ng anak ko, ilabas mo!

 

“Pero, kapag wala kang sex scandal, idedemanda kita, naiintindihan mo?”

 

On a lighter mood, buong ningning na sinabi ni Aiko na wala pang karanasan sa seks ang kanyang 21 year old na guwapong anak.

 

“So, ayun, nililinaw lang po namin na wala pong sex scandal si Andre.

 

“So, parang pag-aamin na niya na… virgin ka pa, di ba?” tanong ni Aiko kay Andre na kasama niyang nag-FB live.

 

Mabilis na sinagot ni Andre ang tanong ng ina ng, “Oo naman!”

 

“So, wala talaga siyang sex scandal,” muling pagkukompirma ni Aiko.

Walang inililihim si Andre sa ina.

 

“Kasi Mom knows everything. I tell her everything,” giit ni Andre.

 

Bilang paglilinis sa kanyang pangalan, sinabi ni Andre na ang mga litratong ginamit sa umano’y video scandal ay mga lumang litrato na kinuha sa kanyang lumang Instagram account na noon pang 2017 ay hindi na aktibo.

 

“If you will look at it closely, 2017 pa po yung huling post nun.

 

“Tapos ang huling post ko po nun ay 2017.

 

“So, 2017 ang huli kong gamit ko dun sa account.

 

“At sa followers ko po dun, siguro as witness na rin po, makikita niyo namang hindi ako nag-i-Story dun dahil wala na talaga akong any access to that account.”

 

‘Napakababoy’ daw ng taong nag-iimbento ng kuwento tungkol sa kanya, ayon pa kay Andre.

“I don’t know what I’ve done to you.

 

“I don’t know who you are. I don’t’ know why you are hiding in another name.

 

“I don’t know what I’ve done to you.

 

“I mean, if I have done anything that I’m not aware of, I’m really sorry ‘coz I have no idea. I don’t have any idea.

 

“’Coz me, growing up, hindi naman po sa pagbubuhat ng bangko or anything, si Mommy po kasi, pinalaki akong mabuti.

 

“’Tsaka, nag-aaral po kasi ako sa Catholic school simula prep, hanggang mag-graduate ako ng high school.

 

“Kaya hindi ko po maintindihan kung bakit ako naisipan ng ganyan.

 

“I don’t even know how to explain myself because…

 

“At the same time, it’s very humorous because it’s very funny, ‘coz I don’t even see myself doing that,” ang nagtitimpi ngunit halatang galit ding pahayag pa ni Andre.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …