Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Brod Pete at mga kasama sa Ang Dating Doon, muling nagpasaya

SINO ba naman ang makalilimot sa mga nakatatawa at pilosopong sagot ng trio nina Isko Salvador o mas kilala bilang Brod PeteCesar Cosme bilang Brother Willy, at Chito Franscisco bilang Brother Jocel ng patok na segment ng Bubble Gang na Ang Dating Doon.

Bilang regalo sa kanilang mga tagahanga na ang ilan ay nai-stress o ‘di kaya’y bored na sa bahay dahil sa umiiral na quarantine, nagsama muli ang tatlo sa isang nakatatawang livestream handog ng official comedy channel ng GMA-7 na YouLOL noong Sabado (June 13).

Bumuhos naman ang comments at questions galing sa mga netizen mula sa iba’t ibang panig ng mundo gaya na lang sa UAE, Singapore, Norway, at USA.

“Matinding gamot ‘to sa stress Brod. Pete. Watching from Singapore,” ani netizen na si Paul Guevarra.

“You guys make me laugh so loud! Greetings from Scarborough, Canada! Mabuhay!” saad naman ng netizen na si Ivy delos Reyes.

Siyempre, hindi rin nawala ang mga nakalolokong katanungan mula sa sambayanan.

“Magandang gabi mga ka-alien! Brod Pete tanong ko lang, ma-iinfect din ba ng virus ang virus? Salamat po sa sagot.”

 

Maaaring mapanood muli ang replay ng Enhanced Ang Dating Doon sa official Facebook at YouTube accounts ng YouLOL.

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …