Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Will Ashley, saludo kay Alden Richards

HABANG nagbibinata ay mas lalong gumagwapo ang dating Kapuso child actor na si Will Ashley na malaki ang pagkakahawig sa kanyang idolong si Alden Richards.

Saludo nga ito sa husay umarte ni Alden at sa mahusay nitong pakikisama sa mga kapwa artista at sa kanyang mga nakakatrabaho at tagahanga na kahit sikat na ay super humble pa rin.

Kaya naman ngayon pa lang ay maraming mga kabataang kababaihan ang nahuhumaling at humahanga dahil bukod sa guwapo na ay mabait pa ito. Maalaga rin ang batang actor sa kanyang mga tagahanga at maging sa mga taong nakakatrabaho. Magalang at palabati rin ito sa mga entertainment press na malayong-malayo sa ibang actor na sumikat at nakilala lang ay bahagya nang makabati.

At kung mabibigyan nga ito ng magagandang proyekto at bagay na ka- loveteam, pihadong isa ito sa magiging importanteng artista ng GMA tulad nina Aden, Dingdong DantesDennis Trillo atbp..

At habang nasa bahay lang dahil sa Covid-19 at ‘di pa muling bumabalik sa pagte-taping, abala ang batang actor sa pagti-Tiktok kagaya ng iba pang mga Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Jak Roberto, Mark Herras , Kris Bernal, Sanya Lopez at iba pa.

 

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …