TUMATAGINTING na tig-$1-M ang magkasunod na idinoneyt ng dating mag-asawang Jennifer Aniston at Brad Pitt kamakailan sa Color of Change, isang bagong private charity organization sa Amerika para sa kapakanan ng mga tao roon na hindi Puti.
Naunang nag-donate si Jennifer, at nang nabalitaan iyon ni Brad, nag-pledge rin siya ng isang milyong dolyar sa organisasyon.
Ilang d’yaryo, TV news programs, at news websites ang agad nagbalita tungkol sa magkasunod na pagkakawanggawa ng dating mag-asawa.
Napabalita rin ‘yon sa social media networks, at wala namang netizens na nam-bash sa dating mag-asawa na nagpapasiklaban lang sila. Wala ring napabalitang iniuugnay ng netizens ang ginawa ni Brad bilang bahagi ng muling panliligaw sa dating misis.
Parehong diborsiyado na sina Jennifer at Brad sa mga pangalawang asawa nila pagkatapos nilang maghiwalay. Ang aktor na si Justin Theroux ang naging pangalawang mister ni Jennifer at si Angelina Jolie naman ang naging pangalawang misis ni Brad.
Ilang taon pagkatapos nilang maging diborsiyado sa pangalawang asawa nila, napabalitang sinusuyong muli ni Brad si Jennifer.
Ayon sa mga ulat at tsismis sa Amerika, hangga’t maaari ay umiiwas si Jennifer na mapabalitang kasama n’ya si Brad. May mga usap-usapan na naiinis at nanggigigil sa galit si Angelina sa tuwing may nauulinigan siyang tsismis na nagkasama sina Jennifer at Brad sa kung saan man.
Naganap ang pagpe-pledge ni Brad ng donasyon na $1-M pagkagaling n’ya sa bahay ni Jennifer matapos silang magkita sa isang protest rally tungkol sa racial discrimination sa Amerika. Pero kahit napabalita ang pagdalaw na ‘yon ng actor sa aktres, parang walang lumabas sa regular media at sa social media ng litratong magkasama sila sa loob ng bahay o bakuran ng bahay ng aktres.
Wala pa ring balita tungkol sa reaction ni Angelina sa pagbisita ni
Brad kay Jennifer, pero malapit na rin naman uli ang aktor kay Angelina dahil sa mga anak nila. Nagpa-party pa nga noong nakaraang buwan si Brad para sa 14th birthday ng anak nilang si Shiloh na lumalaking isang tomboy kaya’t malapit siya sa kanyang ama. (Marami ang nakapupunang mas kamukha ni Shiloh si Brad kaysa kay Angelina. Si Shiloh ay isa sa tatlong biological children sa anim na anak ng dating mag-asawa. Ang tatlo ay mga ampon.
Samantala, ang pagdo-donate nina Jennifer at Brad sa mga organisasyong tumutulong sa mga Amerikanong ‘di Puti ay resulta ng pagkamatay ng Black man na si George Floyd. Kabilang si Jennifer sa mga nagpetisyon na arestuhin at kasuhan ang lahat ng pulis na sangkot sa panghuhuli kay Floyd kahit isa lang sa mga ito ang tinapakan sa leeg ang nakahandusay na si Floyd na siyang ikinamatay.
Marami pang ibang kaganapan sa Amerika na kinasasangkutan ng Hollywood idol para sa kapakanan mga mamamayan doon na biktima ng racism ng mga Puti.
KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas