Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessy Mendiola, mas matindi na ang pananalig at pagpapahalaga sa sarili

WALANG duda na may mga kabutihan ding naidudulot ang ‘di pa rin natatapos na kwarantina dahil sa Covid-19. Isang aktres ang nagtapat kamakailan tungkol napakalaking pagbabago sa kanyang kamalayan: si Jessy Mendiola.

 

“I’m finally free!”

 

Nakagugulantang na bungad na pagtatapat ni Jessy sa kanyang Instagram kamakailan.

 

Nakagugulat dahil agad pumasok sa isip mo na break na sila ng kung-ilan taon na ring karelasyong si Luis Manzano.

 

Pero hindi naman kasali si Luis sa pagtatapat n’ya.

 

Binuo ng aktres ang kanyang pangungusap sa pahayag na:  “I’m finally free of doubts, anger, and insecurity.”

 

Sa totoo lang, kahit naman ang buong pangungusap n’yang iyon ay nakagugulat din. Hindi naman kasi mukhang walang kompiyansa sa sarili ang girlfriend ni Luis, at ‘di rin naman siya tunog galit sa mundo.

 

 

Pero patuloy na pagtatapat n’ya: “My whole life I’ve been in a constant battle with myself. I’ve always doubted what I could do. I was afraid of change. I couldn’t see my worth and how important I was in this life.”

 

Sa pagdedetalye n’ya, mapag-aalaman na apektadong-apektado pala siya sa mga panlalait sa kanya ng netizens kahit na alam n’yang opinyon lang naman ‘yon ng mga tao na ‘di gaanong abala sa buhay at wala ring gaanong libangan.

 

Pahayag ng aktres na ang ina ay Pinay at ang ama ay Lebanese-British: “Every little comment or opinion of others about me affected me like I was defined by how people thought of me. I kept losing myself just because I wanted to please others…”

 

At ang resulta nga ng pagpapaapekto n’ya sa opinyon ng bashers ay: “I was afraid to do so many things that made me happy because I was worried that others would judge me.”

 

Ang isa pang epekto ng opinyon ng iba tungkol sa kanya ay ‘di na n’ya pinahahalagahan ang sarili. Aniya: “I’ve let myself become someone else, [and] all those years I kept hating myself for always giving so much to other people that I kept forgetting how to love myself.”

 

Heto naman ang pagtatapat n’ya kung paano siya nagbago: “I’ve learned to let go of all the pain, the struggles, the failures. My entire life, I felt like I was on a roller coaster ride that would never end but finally, it has ended.”

 

Natagpuan na nga n’ya ang kapayapaan. Proklama n’ya: “I finally feel at peace.”

 

At inaamin naman n’yang may kinalaman din ‘yon sa pagkatagpo n’ya sa Diyos.

 

“I‘ve lost who I was and now I found myself again only to learn that God has never left my side. God showed me how worthy I am and what I am capable of doing.”

 

Naging simple at mas maayos ang pamumuhay n’ya. “For the longest time I was blinded by things I didn’t need in my life. I’ve been searching for peace in my heart and finally I found it.”

 

Tuon n’ya muli sa Panginoong Diyos: “Everything I need is within me. God woke me up and made me realize my worth as a human being. He made me realize that He had been there all along in every step that i took in my life. He CHANGED me.” 

 

Dati-rati, kay Luis n’ya ina-attribute ang mga pagbabago sa kamalayan n’ya, ang pagganda ng buhay n’ya. Pero totoo naman na ‘di nagtatagal ang mga pagbabago na impluwensiya lang ng ibang tao, at ‘di kusang umusbong mula sa sarili nating kalooban kung saan matagal nang nananahan ang Panginoong Diyos.

 

Dagdag pa ni Jessy: “God changed my ways, my thinking and my perspective in life. He taught me how to value myself again and I’m just so grateful… I’ve never felt this feeling before. It’s a wonderful feeling. I am whole again. I am not afraid anymore. I’m taking the leap. I am free.” 

 

Hindi binanggit ni Jessy ang relihiyon n’ya. Pero ano pa man ang relihiyon natin, ano man ang tawag natin sa kinikilala nating Diyos (Hesus, Jehovah, Allah, The Compassionate One), totoong mas epektibo ang pagbabago ng ating kamalayan, ang pagpapahalaga natin sa ating sarili at sa ating buhay kung mula sa kalooban natin mismo bubukal ang pagbabago.

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …