PABOR si Rhian Ramos sa pansamantalang pagpapalabas ng mga lumang shows habang naka-quarantine at hindi muna makabalik sa taping ang mga artista. Sa ganitong paraan kasi ay nabibigyan ng “second life” ang mga dating programa.
Pahayag niya, “Sa ngayon, I think it’s a good idea na ibinabalik ‘yung mga dating shows. Kasi marami roon sa shows na ‘yun, ginawa sa panahon na hindi pa uso ‘yung i-stream online or anything like that. It’s good that these shows have a second life.”
Gayunman, nananatiling excited si Rhian sa pagdating ng panahon na makababalik na sila sa set ng pinagbibidahang GMA Telebabad series na Love of my Life.
“Ako excited ako for that time when the station decides safe na para sa ating lahat na magtaping ulit. Excited talaga ‘ko for that time.”
RATED R
ni Rommel Gonzales