Thursday , December 19 2024

Pinky Amador, nag-sorry at humingi ng pang-unawa (sa sobrang pagpupuyos ng damdamin)

SA isang official statement na ipinadala sa media noong Linggo, inamin ng aktres na si Pinky Amador na siya ang babaeng lihim na nakunan ng video na tinatalakan at minumura ang isang empleada sa isang condotel na tinitirahan n’ya.

Sa video, kinakastigo ni Pinky ang empleada dahil noong May 4 ay nadiskubre n’ya at ng iba pang residente roon na nagpapatira pala sa condotel na ‘yon ng “persons under monitoring” (PUMs) o ‘yung mga tao na sinusubaybayan ng Department of Health (DOH) dahil posibleng positibo sa Covid-19.

Lumabas ang video sa maraming You Tube channels at entertainment websites.

Sa simula pa lang ng kanyang statement, agad na humingi ng paumanhin ang aktres sa nagawa n’ya dahil sa pangambang baka nahawa na siya o sino man sa mga residente o customer ng hotel, at posibleng pati na rin ang mga empleado ng establisimyento.

Bungad ng aktres: “I have uttered harsh words and become very emotional in a video that has been circulating. There is no excuse for that behavior.”

Pero agad din siyang humingi ng pang-unawa kung bakit siya umasta ng ganoon: “Please understand however, that my emotion was the product of countless minutes of worrying for my safety and that of my neighbors, following up with building administration, and talking to my very emotional neighbors and friends.”

Ang namahagi ng statement ay ang manager ng aktres na si Arnold L. Vegafria ng kompanyang ALV Talent Circuit.

Hindi binanggit sa nag-viral na video ang pangalan ng hotel pero pinangalanan sa lahat ng postings sa social media na si Pinky Amador ang babae dahil kaboses na kaboses daw ng babae ang aktres na napanood sa mga teleserye, gaya ng Sahaya (2019) ng GMA-7,

At Sana Dalawa Ang Puso ng ABS-CBN.

Sa statement ni Pinky, ginunita n’yang noong May 6 ay naglabas ang d’yaryong Daily Tribune ng report tungkol sa angal ng mga residente sa Makati Palace Hotel na may mga nakatira sa establisimyento na PUMs gayung wala namang abiso sa kanila na itinalaga ng DOH ang hotel bilang quarantine facility.

Nagpupuyos sa galit na kinastigo ng aktres ang empleada tungkol sa ‘di pagpapaskil ng hotel ng announcement (memo) sa mga elevator nito na may mga naninirahan doon na PUM. Parang ang dahilan ni Pinky sa paghingi ng kopya ng official announcement ng hotel ay para siya na mismo ang magpaskil nito sa mga elevator ng hotel.

Sa narinig naming talak n’ya sa video sa empleada ay may kopya na ang aktres ng announcement na nasa email n’ya. Ang gusto n’ya ay bigyan siya ng printed copy pero pagkatapos ng tatlong linggo n’yang paghihintay ng kopya, sinugod na n’ya ang administration office ng Hotel.

Sa statement n’ya ay binanggit ni Pinky na umangal ang isang residente sa isang d’yaryo tungkol sa ‘di pag-i-inform agad sa kanila ng hotel management na ang establisimyemyento ay na-designate na DOH quarantine facility. Ang nasabing d’yaryo ay Daily Tribune na noon pang May 6 inilabas ang report. Nakalagay sa report na ang pinatutungkulan ay ang Makati Palace Condotel Hotel.

Ipinagtapat ni Pinky na matagal na siyang residente ng nasabing condotel na may dalawang bahagi: ang isa ay para sa bumili ng units doon o umuupa nang pang matagalan para manirahan doon. Ang pangalawa ay mga costumer na ilang araw o linggo lang mamamalagi sa hotel.

Idinetalye ni Pinky sa kanyang statement ang mga hinanakit n’ya at ng mga residente roon sa mistulang pagwawalang-bahala ng pamunuan ng hotel sa kapakanan nila.

Nilinaw din n’ya na hindi lang siya, kundi pati na ilang residente ng hotel na may mga kasamang senior citizens at mga bata, ang ilang beses nang humiling sa pamunuan na magpaskil ng update sa mga elevator tungkol sa mga nangyayari sa mga PUM na pinatira sa hotel o kasalukuyang naninirahan doon para makagawa ang mga residente ng mga hakbang para sa mas matindi nilang pag-iingat.

Nilinaw din n’yang ‘di n’ya alam na may kumukuha sa kanya ng video at malamang umano na ang intensiyon ng kumuha ay ilagay ang video sa Internet para ipahiya siya.

Tinawag ng aktres ang video na “malicious, vengeful, and a violation of the anti-wire tapping act.”

Heto ang mas malaking bahagi ng statement ni Pinky sa original nitong anyo (as is):

“I live in a Condo-Tel, that is a building that has units allotted for residents, and units allotted for hotel guests for a fee.  On 04 May 2020, our Condo-tel accepted 59 returning Filipinos without informing us of their being designated as a quarantine facility.  Of note is the fact that these returning Filipinos neither had the proper documentation with them upon entry, nor any indication that they were tested, or when their test results were arriving.  The residents wouldn’t have known of their arrival, if not for the witnesses who had seen them enter the premises of our Condo-tel.

“The residents were not notified about the designation, not the influx of these returning Filipinos, and that was a cause for alarm not just for me but for all the residents.  

“As of 04 May 2020, the administration did not send any notice about the incident, issue any safety Covid19 related protocols, and delayed disseminating any such information to residents, thus risking everyone’s safety in the building.

“I myself encountered  two (2) new guests in our elevator.  I knew they were guests since they had suitcases with them and were on the way to the 20th floor.  However, I did not know

  1. who they were,
  2. whether they were current long staying guests which were allowed under the IATF issued rules, or
  3. whether they were new guests which was not allowed under the IATF issued rules, except if they were Filipinos returning from abroad.  

 

“After that encounter, I have started fearing for my safety in my home, which should not be the case. Since I am not the only resident here, I was not the only one to witness the influx of new guests.  Some of my neighbors were very upset, even in tears, when recounting their encounter with new guests in the hotel premises, as some of them take care of elderly parents or grandparents, or have children with them.   That is what fueled my ire when that video was taken, since some tenants have been calling me, in tears, with fear for their health, and that of their family members.  

“A neighbor posted a video on Facebook of one such encounter which was picked up by the Daily Tribune, a broadsheet, on 06 May 2020.    Here is a link to the article on the Daily Tribute:  https://tribune.net.ph/index.php/2020/05/06/makati-hotel-takes-in-ofws-alarms-residents/, in sum, we were exposed to new guests without any advice from the administration and without any protocols in place to protect the building’s residents.  

“We have gone to great lengths to acquire a circular from the administration about the incident, and of accepting returning Filipinos, and their current protocols in place, which we requested May 4, 2020 that they post in a public place so that all persons residing in the building would be notified of the incident, and the designation of the building as a quarantine facility. We requested to post it inside our elevators to inform everyone, so they can step up their own safety protocols for their families. Our simple request was faced with little concern and no sense of urgency by the administration.

“We simply wanted them to be transparent with us about the goings on in the building, and to inform us about any systems they have in place.  I cannot count the number of times I have tried to communicate this.  My other neighbors also tried to do so, to no avail.  That was utterly frustrating.

“This is not just about me, or the other tenants but also for the staff and employees as well.  It is troubling to watch them at administration behave as if Covid19 is not a serious matter, or that our lives do not matter.

“Taking a video without my knowledge in a private property, and deliberately ignoring me (so as to inflame me further) with the intention to leak online, is to me, malicious, vengeful and a violation of the anti-wire tapping act.

“Since I have started living in this building, I have made friends with my neighbors who have included me in this building’s community.  It is a community which includes the administration and something the administration has neglected, repeatedly.  What the administration fails to understand is that their actions have an impact not just on their health, but that of the residents’ too.   Being responsible means being responsible for everyone, not just yourself, but also others.

“I am not perfect, far from it. Under these stressful times, when pushed to the limit, how far will you go to protect your loved ones? Sa mga nasaktan ko, I am truly sorry, pero ipinaglaban ko lang ang karapatan natin mabuhay ng ligtas sa sakit.”

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Bong Revilla Jr Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Bong sa magpapakilalang anak: aakuin at hindi ikinahihiya

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHANGA-HANGA ang ginawang pag-amin ni Sen Bong Revilla nang matanong kung …

Piolo Pascual TVJ Tito Sotto Vic Sotto Joey de leon

TVJ handang makipag-collab kay Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus IBA talaga si papa Piolo Pascual dahil noong nakaraang Friday the 13th, sinolo …

Claudine Barretto Alfy Yan Rico Yan

Alfy kamunghang-kamukha ni Rico, papasukin din ang showbiz

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PERSONAL na sinamahan ni Claudine Barretto si Alfy Yan, pamangkin ni Rico Yan sa Viva Entertainment office last week. …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Boss Toyo hindi natanggihan si Bong Revilla 

I-FLEXni Jun Nardo BAGONG-DAGDAG sa cast ng third season ng Walang Matigas Na Pulis sa Matinik …

Atom panalo sa kasong ‘red-tagging’ vs Lorraine at Jeffrey

HATAWANni Ed de Leon LUMABAS na ang hatol ng Quezon City RTC  Branch 306 kina dating …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *