Wednesday , January 28 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joey Paras, nangangailangan ng tulong para sa angioplasty

Malaking halaga ang kinakailangan sa angioplasty ng comedian na si Joey Paras.

Kaya pala siya matagal na nawala sa show business ay dahil sa kanyang sakit na nangangailangan ng P750,000 para tuluyan siyang gumaling.

Sa mga gustong tumulong, you can send your help by way of crowdfunding website na GoGetFunding na nakalagay sa pangalan niya.

Dalawang beses nang sumailalim si Joey sa heart surgery dahil sa kanyang heart condition.

Ang sakit niya pala sa puso ang dahilan kung bakit matagal siyang nawala sa defunct na Sunday noontime show na Sunday PinaSaya.

Nang operahan siya noon sa puso, tinulungan si Joey ng mga kasamahan niya sa Sunday PinaSaya.

Dahil kulang ang fundings sa angioplasty procedure, muling humihingi si Joey ng tulong sa mga kaibigan at mga taong handang magbigay ng financial help sa kanya.

So far, he was already able to sell his house in Imus, Cavite.

Right now, he is confined at the St. Luke’s Medical Center in Bonifacio Global City in Taguig.

Anyhow, he is thankful that his test for COVID-19 has yielded negative results.

Ang problema na lang daw niya ay Edema at heart failure.

Nang tanungin kung ano ang posibleng dahilan ng kanyang pagkakaroon ng sakit sa puso, ‘yun daw ay ang pagiging abusado sa paggamit ng diet pills na nabibili sa Indonesia at China noong kanyang kabataan.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Bianca Gonzalez

Bianca kinontra ng fotog reklamo sa Siargao

I-FLEXni Jun Nardo UMARAY din nitong nakaraang araw si Bianca Gonzales. Tungkol naman ito sa mahal …

Andrei Yllana Aiko Melendez Onemig Bondoc

Andrei suportado relasyong Aiko at Onemig

MATABILni John Fontanilla ALAM ng teen actor na si Andrei Yllana ang kumakalat na issue sa kanyang …

Gelli De Belen Kaila Estrada Daniel Padilla

Gelli walang alam sa relasyon ni Kaila at Daniel 

MATABILni John Fontanilla NAGULAT at walang  alam si Gelli De Belen sa napapabalitang relasyon ng kanyang pamangking …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Barbie ‘di nagpatinag niratrat BI na kumakalat sa socmed

I-FLEXni Jun Nardo WALANG tigil ang pagtataray ni Barbie Imperial sa social media tungkol sa isang blind …

Lance Carr Aubrey Caraan

Nawawalang phone ni Lance Carr nasa China na

MATABILni John Fontanilla NAG-UPDATE ang isa sa bida ng Viva One series, Hell University na si Lance Carr sa nawawala niyang …