BUKOD sa masasayang science experiments sa award-winning infotainment show na iBILIB, busy Din si Chris Tiu sa kanyang duties bilang brand ambassador ng Department of Science and Technology (DOST).
Masayang ibinahagi ni Chris sa isang promotional video ng DOST ang binuong sustainable mask na importante bilang panangga sa Covid-19.
Ayon kay Chris, ang REweark mask ay coated with liquid repellency finish na nagbibigay extra protection sa mga magsusuot nito.
Dagdag pa niya ang REweark mask ay maaaring gamitin ng 50 beses basta sundan lang ang wastong paglilinis.
Speaking of iBILIB, mapapanood ito tuwing Martes at Huwebes, 8:3 a.m., at tuwing Lunes, 9:35a.m., sa GMA Network.
RATED R
ni Rommel Gonzales