PANTASYA pa rin ng mga bading si Jay Manalo kahit tatay na.
Sa tunay na buhay ay may anak na lalaki si Jay at sa isang panayam namin sa aktor ay naitanong namin kung sa tunay na buhay at magkaroon siya ng anak na bading, ano ang magiging reaksiyon niya?
“Tanggap ko,” ang mabilis na sagot ni Jay.
“Tatanggapin ko.
“Anak ko ‘yan, eh. Tao ‘yan, eh.
“Kahit ba hindi ko anak eh, ‘di ba? Respeto ‘yun eh, respeto mo bilang ano, eh. Walang ano rito. Wala naman tayong magagawa, eh. ‘Di ba?
“Kung sa babae rin naman, maging ano (tibo), ‘di ba? Tatanggapin mo rin naman.”
Hindi niya sasaktan o bubugbugin?
“No, no, no. Why? Bakit kailangan mong bugbugin?”
May mga tatay na nananakit ng anak kapag nalamang bading.
“Sila ‘yun.
“Pride nila ‘yun eh, pride nila ‘yun. Ego ‘yun, eh. Kabalbalan ‘yun for me!”
Thirteen years old na ang anak niyang lalaki.
“Yung isa ko 25 na.”
Samantala, mapapanood si Jay ngayong Sabado sa Magpakailanman episode ng GMA na May Forever Si Lola (The Renato Payos and Eloisa Gonzales Story).
Dito ay kapareha (yes, ka-partner!) ni Jay si Ms. Gina Pareño na ididirehe ni Neal del Rosario.
Tampok din sa episode na ito sina Mel Kimura, Aira Bermudez, Hannah Precillas, at Tonio Quiazon.
Walang anak na nag-artista si Jay. Ayaw ba niya?
“Hindi naman sa ayaw.
“Kaya lang ang gusto ko lang kasing unahin na muna, ‘yung pag-aaral.
“Well, kung isisingit ‘yun sa panahon na nag-aaral sila, make sure lang na hindi nila pababayaan (pag-aaral).
“Hahayaan ko naman, okay lang din naman sa akin. Kaya lang sa akin kasi parang hindi ko nakikita na magiging ganoon kasi wala akong ine-encourage.”
May nakikita naman siya sa mga anak niya na tila gustong mag-artista.
“May nagpapahaging.”
Labingdalawa ang anak ni Jay.
“Actually may unang-una nagpaalam na noon eh, babae. Sinabihan ko siya na sabi ko, ‘Puwede aral muna?’
“Pero nagtrabaho kasi agad siya, eh. Parang siguro nakatamaran na niya, nakalimutan na niya, na-overcome na niya ‘yung thought na gusto niyang pumasok din sa showbiz bilang para sundan ‘yung tatay niya.
“Pero sabi ko kung hangga’t maaari kaya ko kayong ilihis eh, gagawin ko.
“Gusto ko lang unahin nila ‘yung pag-aaral. After that, bahala sila, gusto nila ako pa magpasok sa kanila, eh.
“Walang problema, eh (pag-aartista). Basta ba tatapatan nila ako, ng magandang grades,” sabi pa ni Jay.
RATED R
ni Rommel Gonzales