Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ritz Azul, may kuwento ukol sa mental health ng kanyang ina

KAILANGAN ng matinding pagtitiyaga at pag-unawa ang pagkakaroon ng mahal sa buhay na may mental health problems.
‘Yan ang pahayag kamakailan ni Ritz Azul kaugnay ng pagdiriwang ng Mental Health Week sa bansa.
Ang ina ni Ritz ay may anxiety disorder, pagtatapat n’ya sa d’yaryong Ingles na Inquirer kamakailan.
Pahayag ng aktres: “I was with her during the time her doctor first gave her medications, and saw how these affected her, especially when she falls asleep after taking them.” 
May kakaibang epekto ang gamot na iniinom ng kanyang ina kahit na pagtulog nito. Biglang nagigising daw ito na tila naalimpungatan.
Kuwento n’ya: “Only the other day, she suddenly woke up and tried looking for her glasses. There were nights when she’d say she could see butterflies fluttering about. I realized that I should also watch over her, even while she’s sleeping.”
Pagkagising ng ina sa umaga, ikinukuwento ni Ritz mismo sa kanyang ina  kung ano ang sinabi o ginawa nito noong nakaraang gabi.
“In the morning, we would tell her what had happened and we’d all laugh about it. Compared to what others are experiencing, hers is just mild,” pasubali ng aktres.
May mga adjustment na siyang ginagawa, pati na ang mga kasamahan n’ya sa bahay. Lahad n’ya: “Yes, the anxiety would be triggered by the smallest things; but we could easily avoid them because we already understand her. We know not to say words she doesn’t want to hear. We’re already conscious of our facial expressions—she doesn’t like seeing someone with a wrinkled forehead, or someone looking angry.”
Batid ni Ritz na nakaaapekto rin sa kalagayan ng mga taong nasa paligid na may mental health problems. Aniya: “There’s a possibility that those of us who are left to take care of loved ones suffering from anxiety could be feeling anxious, too.
For example, I would worry about my mom, but won’t be able to tell anyone; and all these feelings get bottled up inside me. It’s possible that I won’t be able to sleep well at night, too.”
Payo ng aktres: “My advice is that you have to remain strong for your loved ones. If not, you won’t be able to take care of them well. You’ll just end up feeling angry with them all the time.”
Matagal palang nagtrabaho sa Bahrain ang ina ni Ritz noong paslit pa lang siya. Wala namang nabanggit si Ritz kung epekto ng pagtatrabaho ng maraming taon sa ibang bansa ang pagkakaroon ng kanyang ina ng anxiety disorder.
Sa paghahanap ng dagdag na detalye tungkol sa ina ni Ritz kaya napag-alaman naming nagtrabaho ito sa ibang bansa.
Actually, ang natagpuan namin ay ang throwback Instagram post ni Ritz nitong nakaraang Disyembre lang. Ang ipinost n’ya ay ang litrato n’ya noong 5 o 6 years old pa lang siya (at 26 pa lang siya ngayon).
Pinakunan siya ng litrato para ipadala yata sa nanay n’ya. Pero sa paglaon, noong nasa Bahrain ang ina n’ya, nagtrabaho naman sa Batangas ang ama n’ya. Sa Pampanga lumaki si Ritz, sa piling ng isang lola n’ya.
Ani Riz sa caption ng mga litrato n’ya:  “Looking at these pictures, I can still vividly remember how I felt when nanay (mother) flew to Bahrain to work,” aniya.
Pinilit lang n’ya ang sarili n’ya na ngumiti sa mga larawan n’ya. Paggunita niya: “Bawal daw akong umiyak sabi ni papa kasi kinukuha raw nila ‘yung batang umiiyak.” 
Ayon sa Inquirer, may kapatid na batang babae si Ritz na two years old pa lang.
Noong 2018 lang nagkaroon ng parang first boyfriend n’ya si Ritz, ayon sa kanya. Pero nakasama na siya ng lalaking ang pangalan ay Allan Guwi sa pamamasyal out-of-town and out of the country kasama ang pamilya nito.
KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas
Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …