Sunday , November 17 2024

Panganay nina Brad at Angelina, mas feel magpaka-lalaki

HINDI lang pala Rito sa Pilipinas may mga artistang mapayapang tinatanggap ang pagkakaroon ng anak na tomboy o bading. Sa Amerika pala ay may siyam na celebrities na may mga ganoon ding anak at wala silang nakikitang mali sa ganoong sitwasyon.

Ang napagtuunan ng pansin sa Amerika nitong mga nakaraang araw  ay ang anak nina Brad Pitt at Angelina Jolie na si Shiloh dahil nagdiwang ito ng ika-14 kaarawan noong May 26.

Tomboy si Shiloh, at ‘di naman siguro ang dahilan niyon ay ang pagiging kamukhang-kamukha ng kanyang ama. Panganay si Shiloh sa mga biological children ng dating mag-asawang Brad at Angelina.

Bago nagpakasal ang dalawang superstars ng Amerika, may mga ampon na si Angelina bilang diborsyada. Sa paglaon ay inampon na rin ni Brad ang mga iyon para maituring na legal na ama ng mga ito. (Ang isang resulta ng pag-aampon sa kanila ng aktor ay naging “Jolie-Pitt” ang legal na apelyido, hindi “Jolie” lang.)

Walo lahat ang anak nina Angelina at Brad at tatlo sa mga ‘yon ang biological. Noong 2010 pa lang, noong 4 and 1/2 years old pa lang si Shiloh, alam na ng mag-asawa na tomboy ito. Mismong si Angelina ang nagtapat sa Vanity Fair magazine na:  “She wants to be a boy. So we had to cut her hair. She likes to wear boys’ everything. She thinks she’s one of the brothers.”

Hindi kailanman ikinahiya ng mag-asawa ang pagiging kakaiba ni Shiloh. Isinasama nila ito sa mga awards night at iba pang social events na nakadamit panlalaki. Kung formal ang event at kailangang naka-formal attire ang mga dadalo, naka-Amerikana si Shiloh, at kahawig ng sa ama n’ya ang Amerikana nito.

Isinasama ng mag-asawa ang mga anak nila sa ilang mga biyahe nila sa ibang bansa. At pag pinapipili ang mga bata ng iuuwi nilang souvenir mula sa bansang pinupuntahan nila, laging ang pinipili ni Shiloh ay laruan o gamit na panlalaki. Hindi naman tinututulan ng mag-asawa ang choices ni Shiloh.

Mula sa pagkabata ay damit panlalaki na ang isinusuot ni Shiloh.  Hinahayaan n’ya at ng mga magulang n’ya na kunan siya ng litrato na ganoon ang kasuotan. Hindi na lang nila binabanggit na panlalaki ang suot ng batang babae dahil obvious naman na ‘di pangbabae ang mga ‘yon. Pero paminsan-minsan ay binibigyang-diin nila na talagang mas hawig si Shiloh ng kanyang ama kaysa kanyang ina.

Ang isang grupong tuwang-tuwa sa mga larawan ni Shiloh ay ang mga fashion photographer dahil kakaiba nga naman ang mga iyon sa pananamit ng nga babae. Tuwang-tuwa rin sa kanya ang mga LGBTQ kaya’t ‘di nagtagal ay nagsimula nang ituring si Shiloh na LGBTQ fashion icon. Hindi tinututulan nina Angelina at Brad ang bansag na ‘yon sa kanilang anak.

Noong 2014 ay sinabi ni Shiloh sa mga magulang n’ya na “John” na ang itawag sa kanya. Pumayag naman ang mag-asawa. Pero kahit ipinahatid ‘yon nina Angelina at Brad sa media, “Shiloh” pa rin ang tawag nila sa bata sa mga ulat nila.

Ang pangalan n’yang  Shiloh ay mula sa wika ng African country na Namibia, na roon siya isinilang. Naging UNICEF ambassador doon si Angelina at noong nagdadalantao na ito kay Shiloh, ipinasya nila na roon siya manganak para ‘di siya maistorbo ng media photographers.

“Kapayapaan” ang ibig sabihin ng Shiloh.

Binigyan naman ng dating mag-asawa ng party si Shiloh bagama’t naging napaka-private niyon lalo pa’t may mga anak ng international celebrities na imbitado roon.

May ilang nag-iisip na posibleng phase lang ng growth ni Shiloh ang pagnanais n’yang maging lalaki. Maraming bata naman sa mundo na dumadaan sa panahong matindi silang naghahangad ng kasariang kabaligtaran ng kinasilangan nila. Pero natatapos din nga ang ganoon.

Abangan na lang natin ang mga darating na development sa buhay ni Shiloh/John. At masuwerte naman siya na magbago man o hindi ang pasya n’ya tungkol sa kanyang kasarian, mamahalin at susuportahan pa siya ng kanyang mga magulang.

Kapiling ni Angelina ang lahat ng mga anak n’ya bagama’t ang panganay na ampon n’yang si Maddox ay sa South Korea nag-aaral.

May Instagram nga pala si Shiloh: @shilo.jolie.pitt.

Ang dalawang Pinoy aktor nga palang parehong may anak na tomboy ay sina Ricky Davao at Ian Veneracion.

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *