MALUNGKOT ang komedyanteng si Shalala dahil almost three months na rin siyang walang trabaho simula ng lumaganap ang Covid-19 at mag-house quarantine.
Malaki ang epekto ng kawalan ng trabaho kay Shalala dahil breadwinner siya at may pamangkin siyang may karamdaman na sinusuportahan niya. Tanging tapings, shooting, at shows sa labas ang kanyang pinagkakakitaan.
Kuwento nga nito nang makausap through FB messenger, “Dami ng apektado at ‘yung iba NgaNga na! Fren sa araw- araw na pagkain ang hirap-hirap na nga iniisip pa ‘yung mga bayarin sa koryente, tubig, renta atbp..”
Dagdag pa nito, “Kung sarili ko lang OK sana kaya lang mahirap naman deadmahin ‘yung pamilya ko, alam mo naman ‘yun. Aaminin ko sa ‘yo SA-ID na ‘yung banko (savings)ko, buti na lang my mga kaibigan pa tayo na tumutulong sa atin at nagbibigay pa ng ayuda.
“Pero nakahihiya na, kaya nga ang DAPAT ay isip-isip tayo kung paano makakaahon sa hirap ng buhay ngayon. Iniisip ko nga na ibenta na ‘yung mga collection kong toys at ‘yung kikitain doon magbi-business na lang ako ng karinderya, sari-sari store o buy ang sell atbp.. Puwde rin siguro akong mag-apply sa mga talent agency.
“Tatlong buwan na tayong naka-quarantine panay na lang ang linis ko ng bahay, magluto at habang nag-iisa lang ako sa bahay doon ko nakilala ang mga tunay kong kaibigan. Like you, sina Mom Cecille & Dadi Pete Bravo, Raoul Barbosa sa buong Ka-Fam. Kina Alex Gonzaga rin, Gorgy Rula atbp.. Laban lang Tayo Kaya Natin To at MAGDASAL lagi. Ang isa pang maganda habang nandyan si covid19 maging masaya lang lagi & Think POSITIVE! Kaya natin to!”
Masuwerte na lang siya at may mga kaibigan na bukas ang palad para tulungan siya sa mga panahong kinakailangan niya ng tulong at suporta, katulad ng mabait at very generous na mag-asawang Pete at Cecille Bravo at Raoul Barbosa.
At kahit nga medyo kapos na kapos na ito ngayon ay patuloy pa rin siyang lalaban para sa kanyang mga mahal na pamilya at umaasa ito na babalik na muli ang sigla ng showbiz at darami na muli ang raket niya sa tulong ng Diyos.
MATABIL
ni John Fontanilla