Sunday , November 17 2024

Kathryn, kahanga-hanga ang hilig sa pagbabasa ng libro

SIGURO naman maraming kabataang artista ang mahilig magbasa, lalo na sa panahon ngayon na kahit marami nang lugar ang klasipikado nang “General Community Quarantine,” kaunti pa lang naman ang mga lugar na pwedeng puntahan–pero bawal pa ring tumambay nang matagal.
Nakalilibang, nakapagpapalawak ng bokabularyo at pag-iisip ang pagbabasa. At kahit saang bahagi ng bahay ay pwede itong gawin. Isang libangan ang pagbabasa na ‘di kailangan ng malaking espasyo at istriktong oras para gawin.
Isa sa young stars na nadiskubre natin kamakailan na mahilig palang magbasa ay si Kathryn Bernardo.
Ipinost n’ya sa Instagram n’ya na may koleksiyon pala siya ng mga nobelang isinulat ng Amerikanong si Mitch Albom na nagsimulang sumikat sa Amerika noong 1997 pa dahil sa libro n’yang Tuesdays With Morie na hindi isang nobela kundi isang memoir ng pakikipagkaibigan ni Albom sa rati n’yang propesor sa unibersidad na ang pangalan ay Morrie Schwartz.
Sikat na rin naman siyang sportswriter sa Detroit, Michigan nang magsimula siyang maging bantog din bilang nobelista. Ang unang nobela n’yang nagpatindi pa sa kasikatan n’ya ay ay ang The 5 People You Meet in Heaven.
Ang nobela ay tungkol sa isang matandang lalaking nagtatrabaho sa isang theme park na namatay dahil sa pagliligtas sa isang batang babae sa isang aksidente. Mas maraming kopya ng The Five People ang nabili kaysa Tuesdays With Morrie. Noong 2003 pa unang na-publish sa Amerika ang The Five People.
Sa ngayon, walo ang nai-publish na nobela n’ya. Lahat ‘yon ay spiritual at philosophical–hindi religious, bagama’t halos lahat ng mga iyon ay sa “heaven” (langit) ang setting.
Batay sa post ni Kathryn, ang pinakapaborito niya sa mga nobela ni Albom ay ang The Five People You Meet in Heaven at ang sequel nito na The Next Person You Meet in Heaven.
Ani Kathryn sa post n’ya: “Please do yourself a favor and make time for this book [“The Next Person You Meet in Heaven”] , which is a sequel to ‘The Five People You Meet In Heaven.’ It got even more interesting to have found out the other side of the story—Annie’s (the little girl whom Eddie saved). Another set of learnings. Another heartfelt story.” 
‘Yung “Annie” at “Eddie” na binabanggit n’ya ay mga tauhan sa dalawang nobela.
Ipinost din n’ya ang isa sa mga paborito n’yang quote mula sa The Next Person You Meet in Heaven. Heto ‘yon: “‘Because we embrace our scars more than our healing… We can recall the exact day we got hurt, but who remembers the day the wound was gone?”
Alam ni Kathryn na may Instagram din si Albom, kaya pinatungkulan n’ya ito sa post n’ya. Papuri ng batang aktres: “@mitchalbom you are an amazing storyteller. I am officially obsessed with your books.” 
At alam n’yo ba ang nangyari?
Nag-reply ang world-famous novelist kay Kathryn ng isang simpleng, “Thank you.” 
Pero ‘di lang naman ‘yon ang ginawa ni Mr. Albom: he followed Kathryn on Instagram.
Actually, mga 110 pa lang ang nagpa-follow sa Pilipinas sa Instagram ni Albom bagama’t  538, 000 na ang followers nito sa buong mundo.
Kahit na noong 2003 pa lumabas ang The Five Persons… noong 2016 lang lumabas ang sequel nito. Ang ilan sa mga sumunod na nobela ni Albom pagkatapos ng The Five Persons…ay Have a Little Faith: A True Story, The Time Keeper, The First Phone Call from Heaven, at The Magic Strings of Frankie Presto. 
Posibleng nabasa na rin ni Kathryn ang ilan pa sa mga nabanggit na nobela ni Albom.
Sana ay maimpluwensiyahan ni Kathryn ng hilig sa pagbabasa ang boyfriend n’yang si Daniel Padilla. Kung silang dalawa ang magpo-post sa mga librong nabasa o nakatakda nang basahin nila, siguradong masigasig ding basahin ang mga iyon ng milyon-milyong kabataang fans nila.
KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Check Also

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Gerald pinakamabait sa naging asawa ni Ai Ai

HATAWANni Ed de Leon KUNG si Ai Ai delas Alas ay benggador, ang kailangan lang niyang gawin …

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …

Sa pagwawakas ng politically charged teleserye Pamilya Sagrado 
PIOLO SUPORTADO PARTYLIST NA TAPAT SA KANYANG PRINSIPYO 

KAPANA-PANABIK ang pagtatapos ng socio-political-action drama teleserye ni Piolo Pascual, ang Pamilya Sagrado sa ABS-CBN bukas. At dahil dito hindi …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *