Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Huling El Bimbo, The Musical, mapapanood ng libre (Pantawid ng Pag-ibig campaign ng ABS-CBN)

MAGBABALIK ang Huling El Bimbo, ang sikat at pinag-usapang rock concert musical para mapanood ng mas marami dahil palabas ito ng libre sa ABS-CBN Facebook at YouTube mula Biyernes (Mayo 8) hanggang Sabado (Mayo 9).

Katuwang ng ABS-CBN ang Resorts World Manila at Full House Theater Manila sa paghahatid ng palabas para makalikom ng donasyon para sa Pantawid ng Pag-ibig na kampanya ng ABS-CBN na tumutulong sa mga Filipinong higit na naapektuhan ng enhanced community quarantine.

Unang napanood sa entablado noong 2018, umabot sa higit 100 na pagtatanghal ang naihandog ng Ang Huling El Bimbo, The Musical sa Resorts World Manila. Tungkol ito sa apat na magkakaibigang sama-samang hinaharap ang pagsubok ng buhay na sumasalamin sa napapanahong suliranin ng mga Filipino.

Ilan sa mga awiting mapakikinggang muli ay ang  Minsan (Once), With a Smile, Ligaya (Joy), at Ang Huling El Bimbo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Showbiz

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …