Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Peque Gallaga, pumanaw sa edad 76

MATAPOS humingi ng panalangin ang pamilya ni Direk Peque Gallaga dahil sa pagkakasakit nito at pagkakadala sa ICU, nilinaw nilang hindi totoong comatose ang director at walang Covid-19. Bagkus humingi sila ng panalangin para sa kalagayan nito.

Subalit kahapon ng umaga, kumalat na sa Facebook ang balitang pumanaw na ang magaling na director sa edad, 76. Kinompirma rin naman ang balitang ito ng kapatid niyag si Dr. Ricky Gallaga.

Sa isang ospital sa Bacolod City binawian ng buhay ang veteran filmmaker, screenwriter, at actor.

Kinilala ang galing ni Gallaga sa mga pelikulang Oro, Plata, Mata (1982) na maraming award ang napanalunan kabilang na ang Best Picture at Best Director sa Gawad Urian at Scorpio Nights (1985)

Hinangaan din ang pelikula niyang Manananggal  episode mula sa pelikulang Shake, Rattle & Roll ng Regal Films (1984); at mga horror films na Hiwaga sa Balete Drive (1988), Tiyanak (1988), Shake, Rattle & Roll II (1990), Aswang (1991), at Magic Temple (1996) na top grosser noong Metro Manila Film Festival 1996.

Tumanggap na rin ng award si Gallaga mula sa mga international film festival tulad ng Flanders-Ghent, Belgium noong 1983; Special Jury Award mula sa Manila International Film Festival; at 2004 Gawad CCP Para sa Sining.

Ang aming pakikiramay sa mga naiwan ni Direk Gallaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Showbiz

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …