Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mars Pomoy, ipinagpatayo ng bahay ang isang senior citizen

NASA malayong bayan man ng Calauag, Quezon Province si Marcelito “Mars” Pomoy, kapuri-puring tumutulong siya sa mga tao roon na kababayan ng misis n’yang si Joan. Dalawa o tatlong beses na rin siyang nag-digital concert sa bahay n’ya sa Barangay Tres Calauag para lumikom ng perang maibibili ng relief goods para sa mga kabarangay n’ya na nangangailabgan.

Ilang ulit na ring namahagi silang mag-asawa ng relief goods sa Calauag. Itinuturing na rin n’yang hometown ang Calauag dahil ilang taon na rin siyang naninirahan kasama ang kanyang maybahay at ang isang anak nila na babae na maglilimang taong gulang na.

Kamakailan, naibalita mismo ng champion ng Pilipinas Got Talent at finalists sa America’s Got Talent: The Champions’ edition, pati na rin ng ilang netizens sa Calauag, na pinamunuan ni Mars ang proyektong pagtatayo ng bahay para sa isang senior citizen.

Isang taga-Calauag, si Aiza Hernandez, ang nag-post sa Facebook tungkol sa senior citizen na si Aurora Mirano na naninirahan mag-isa sa isang kubo na gumigiray na.

Naantig ang damdamin ni Mars kaya’t humingi siya ng tulong sa mga kababayan n’ya para maipagtayo ng isang simpleng matibay na tirahan si Nanay Aurora.

Nakapagpatayo siya ng bahay ng may isang bedroom, kusina-kainan, toilet na binubuhusan ng tubig, at maliit na veranda para sa mga bisita. Kinompleto rin ng team ni  Mars ang mga gamit sa bahay. (Nag-sorry pa nang pabiro si Mars sa video na walang air-condition ang bahay. Actually, wala ring TV set, at okey lang naman ‘yon.)

Naitayo ang bahay sa loob ng apat na araw, kasama na ang paghuhukay ng pundasyon.

Ipinost ni Mars ang mga litrato ng pagtatayo ng bahay sa Facebook n’yang /marcelitopomoy8. Nag-post din siya ng mga 10 minuto video ng pagtatayo ng bahay sa You Tube channel n’ya.

May maiikling interbyu si Mars sa video kina Nanay Aurora at Aiza.

Panoorin n’yo ang video para makita n’yo ang taong-tao  hitsura ni Mars na ‘di nakadamit ng pang-contest sa TV. Mapupuna n’yo ring ang puti-puti na n’ya at ang kinis-kinis.

Ang video ay malamang na para rin sa mga banyagang naging fans na rin ng Pinoy na may dalawang tinig (lalaki at babae). Filipino/Tagalog ang salita ni Mars, pero may subtitles sa Ingles ang mga sinasabi n’ya, pati na ang salita niyong mga iniinterbyu n’ya. (Pero Ingles ang mga post ni Mars sa Facebook.)

Namahagi rin siya ng relief goods sa mga kapitbahay ni Nanay Aurora.

Sa dulo ng video ay may acknowledgment sa mga tao na sumuporta sa proyektong ‘yon ng pagtatayo ng bahay.

Maaalalang nadiskubre ni Mars ang kakayahang kumanta sa dalawang noses habang nagtatrabaho siya na tagapagpakain ng manok sa isang poultry. Pero kapuri-puring gaano man kaasensado ang buhay niya ngayon, ‘di n’ya kinalilimutan ang nakaraan n’ya at ‘yon ang dahilan kaya lagi siyang aktibo sa pagtulong sa mga kapus-palad.

Samantala, patuloy pa rin siyang nakikiusap para sa mga donasyon para sa tuloy-tuloy n’yang pagtulong. Sa caption ng video ay nakalista kung saan-saan pwedeng magdeposito ng mga donasyon.

 

 

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …