Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maine, kinausap at ‘di ipinahiya ang taong gumamit at nanloko sa kanyang DoNation

MATAAS na pala talaga ang level of maturity and compassion ni Maine Mendoza. Sa halip na magtaray siya sa mga nag-a-attempt na manloko at magsamantala sa kanya tungkol sa personal project n’yang Donation, inuunawa na lang niya ang mga ito.

At kung may nakaloko man sa kanya, nakadoble nang natanggap na pera o ‘di naman talaga kailangan ng ayuda, hindi galit at sumbat ang ganti n’ya kundi pang-unawa pa rin.

And DoNation  ay ang project na sinimulan n’ya noong March, ilang araw lang pagkatapos ideklara ng Malakanyang ang community quarantine sa buong Luzon. Dahil alam n’yang may mga pamilyang magigipit ‘pag ‘di na sila makalalabas ng bahay para kumita, nanghingi siya ng donasyon sa madla.

Pwedeng nagbigay ng kahit magkano lang ang mga magdo-donate sa pamamagitan ng mobile wallet. Mula sa malilikom n’yang pera ay mamamahagi siya ng P1,000 sa mga pamilyang magte-text sa kanya ng ilang detalye o makikipag-komunikasyon sa kanya sa pamamagitan ng social media accounts n’ya.

Para ‘di maging komplikado ang paglilikom at pamamahagi, ‘di na siya nag-involve ng iba pang tao sa pangangasiwa ng proyekto. Mukhang kahit na ang boyfriend n’yang si Arjo Atayde ay ‘di n’ya isinali.

Dahil mag-isa lang nga siya, agad n’yang nadidiskubre kung may gustong sumabotahe sa proyekto n’ya para sila ang magkaroon nang pinakamalaking pakinabangan sa ipamamagi n’yang tulong.

Isang halimbawa ay ang nadiskubre n’yang isang netizen na ipinu-promote sa social media ang proyekto n’ya. Sa halip na ipadiretso sa mobile wallet ni Maine ang donasyon, sa sariling account ng promoter ipinapapasok ang donasyon. Pero ‘di naman nakikipag-coordinate ang nasabing tao sa kanya kaya’t ‘di naman siya binigyan ng permiso ng actress-TV host na tumulong sa pangangalap ng donasyon.

Hindi naman ibinulgar ni Maine ang ‘di magandang balak ng netizen na ‘yon pero nakipag-usap siya in private sa netizen na itigil nito ang panghihingi ng donasyon.

Paliwanag n’ya kung bakit ganoon lang ang ginawa n’ya at ‘di n’ya hiniya sa publiko ‘yung tao. “In hindsight, given the situation we’re all in, I figured that some people are willing to do whatever it takes to sustain their basic needs,” lahad n’ya sa isang news publication.

Malaki na rin naman ang nalikom ni Maine sa simpleng project n’ya. Noong Abril 19, nakalikom na siya ng P921,293.88 at nakapagbahagi na siya ng tig-P1,000 sa 961 families.

Tuloy-tuloy pa rin naman ang proyekto. Lahad ni Maine tungkol sa na-accomplish na n’ya: “I’m happy and thankful, because I realized that a lot of people are willing to send help.

“And it doesn’t really matter how much they’re willing to give … The fact that they wanted to share a bit of what they have with others gives me nothing but hope and gratitude.

 “Manning this whole donation drive by myself isn’t that easy. But I’m glad that I get to help in my own way in this time of crisis. Thank you very much to everyone who helped and showed support!”

Mensahe naman n’ya para sa lahat: “Let’s not forget to take a moment to pray for those who are greatly affected by the coronavirus crisis; for those who suffer; for the healing of the sick; for our modern-day heroes; for the safety and sanity of everyone. 

 “We will all get through this in time. Kapit lang!”

 

 

KITANG-KITA KO!
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …