Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Telco’s homegrown talents, nagsama-sama para sa isang heartwarming tribute sa kanilang mga frontliner

HINDI napigil ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang mga  talented employee ng Globe para magsama-sama para sa isang makabagbag-damdaming tribute nila para sa mga frontliner.

Sa pamamagitan ng stitched videos, nagsama-sama ang Globe’s corporate choir, Globe Voices@Work (GV@W) para i-perform ang kanilang sariling bersiyon ng  Isang Dugo, Isang Lahi, Isang Musika, na laan nila para sa company’s very own #CovidHeroes, ito ay ang kanilang network engineers, installers, technicians, at security personnel na araw-araw na nasal abas para gawin ang misyon ng kanilang kompanya na connected pa rin ang mga Pinoy ngayong panahon na marami ang apektado ng Covid-19.

Marami nang netizen ang nananatili sa kanilang mga bahay-bahay para hindi makakuha ng virus, mahalaga ang connectivity mula sa trabaho gayundin sa home set-ups at pakikipag-usap sa mga kaibigan at kapamilya. Kahit nangangamba sa pagdami ng bilang ng naaapektuhan ng  Covid-19 sa bansa, nariyan pa rin ang mga hardworking field engineers at telecom technicians para sa maintenance, repair, at installation work para matiyak na maayos ang takbo ng kanilang network  at mapanatili ang  ang mga customer connectivity requirements.

Umaabot sa 10 bahay kada araw ang napupuntahan ng mga installer, repairmen, at iba pang technician na nagtatrabaho para sa Globe’s various contractors all over the country. Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ng  at ini-extend ang kanilang full support sa mga frontliner na nagbibigay katiyakan para ang kanilang mga telecom services ay laging available sa ating bansa at sa ating mga kababayan.

Ang Isang Dugo, Isang Lahi, Isang Musika ay original composition ni Dodjie Simon, na musical arrangement at conducted ni Lester Delgado. Si Delgado ay siya ring GV@W’s director, na nagga-guide sa choral group kaya marami ang nataanggap na papuri sa mga performances ng grupo sa loob at labasa ng bansa. Patuloy ang paghahatid ng magagandang musika ng GV@W lalo sa mga music enthusiasts sa mga organization at affiliates nito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Showbiz

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …