Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, 135 ospital ang natulungan, 246 tents ang naipatayo

NAGPA-SWAB test pala ang magkasintahang sina Angel Locsin at Neil Arce. At negative ang lumabas na resulta. Ibig sabihin, ligtas sila sa Covid-19.

 

Ang resulta ay ipinost ni Angel sa kanyang Instagram stories at Facebook page noong Sabado, April 25. Pero hindi niya sinabi kung kailan sila nagpa-swab test ni Neil.

 

Kaya siguro naisipan nina Angel at Neil na magpa-swab test ay dahil naisip nila na pwede silang kapitan ng corona virus dahil sa proyekto nilang #UniTentWeStandPH campaign. Lumilibot kasi sila sa mga ospital sa Metro Manila at Luzon, upang personal na i-supervise ang pagsi-set-up ng tents na pansamantalang matutuluyan ng medical staff, doctors, nurses, at iba pang frontliners laban sa Covid-19 pandemic.

 

Ang ipinambibili nila rito ay kuha sa mga nalilikom nilang pundo na umabot ng mahigit P11-M.

 

Sa malaking halaga na nalikom, napagsilbihan ng engaged couple ang 135 na ospital sa NCR at Luzon, at nakapagpatayo ng 246 tents sa mga health facilities.

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …