Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ara Mina, suko sa paggawa ng cake

TAWANG-TAWA at natuwa kami sa kuwento ni Ara Mina nang makatsikahan namin ito noong Sabado para mag-order ng aming favorite Hazelberry Oreo Cheesecake.

Panimula niya, “Naku ate, sa May 4 na po ang delivery,” na dapat ay May 3 dahil, “I wanna rest po. Super tired. Ha ha ha. Grabe ang pagod namin”

 

Paano naman, kaya pala pagod na pagod si Ara ay dahil, “Triple po ang order namin ngayong ECQ kaysa open ang stores namin. Kaya as in suuuuuuuper pagod ako. Kaunti lang kasi ang tao ko sa commissary.”

Apat na rin ang branches ni Ara ng kanyang Hazelberry Café na ang pinakabago ay ang sa Molito Lifestyle Complex, Alabang. Nariyan pa rin ang mga branch ng Hazelberry Café  sa Alta Claro Food Hall  (Claro M Recto, McArthur Highway, Angeles City Pampanga along Angeles University); Ayala Mall Feliz sa Marcos Highway, Pasig City; at Pwesto Community Mall (Holy Spirit Drive Don Antonio, Quezon City).

 

Idinagdag pa ni Ara na marami na ring mga costumer nila ang nagagalit sa kanila dahil, “Libo ang messages naming sa text, viber messenger and dm sa Instagram.

 

“Nagagalit na ang iba. Hindi kasi naming nasasagot lahat. Kasi lahat ng tao nasa online na.”

 

At dahil sa rami ng mga text at inquiries na natatanggap nila, nasira na ang cellphone na ginagamit nila.

 

“Pinalitan ko na nga ang cellphone pati number. Imagine Iphone na ‘yung ginagamit namin, nag-hang na, nasira na. Kasi nga dahil sa hotline namin sa viber at text.

 

“Pero, sobra-sobra akong nagpapasalamat sa Diyos dahil marami talaga ang tumatangkilik sa mga cake na gawa namin, kahit talaga pagoda Philippines lagi, ha ha ha.”

 

Para sa mga gustong umorder, mag-sms/viber sa 09165405807.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …