Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kamille Filoteo, dream makapagpatayo ng bahay para sa pamilya

IPINAHAYAG ng PBB alumna na si Kamille Filoteo na umaasa siyang mabibigyan ng mas maraming projects, lalo’t siya ay nasa pangangalaga ngayon ng AsterisK Artist Management ni Kristian G. Kabigting at ng Viva.

 

“More projects po of course kasi pangarap ko pong makapagpatayo ng sarili kong bahay para sa pamilya ko at para makauwi na rin po ang mama dahil nasa abroad po siya,” saad ni Kamille ukol sa mother niyang OFW.

 

Aniya, “This year lang po ako nakapirma with Viva and I’m very happy kasi feel at home ako and very welcome agad ako sa kanila.”

 

Si Kamille ay isa sa Housemtae sa PBB 737 noong 2015 na eventually ay napanalunan nina Jimboy Martin at Miho Nishida. Noong 2016 ay naging parte si Kamille ng all-female dance group na GirlTrends na napapanood regularly sa Kapamilya noontime variety show na It’s Showtime.

 

Siya ay nakalabas na sa pelikulang Unli Life na tinampukan ni Vhong Navarro.

 

Ano ang dream role niya? “Ang dream role ko po is kontrabida talaga and psycho na character,” sambit niya.

 

Inusisa rin namin kung sino ang mga iniidolo niyang artista. Sagot ni Kamille, “Idol ko pong artista is Jodi Sta. Maria and sa lalaki ay si Mon Confiado, dahil sa kanila mo po makikita ‘yung dedication bilang artista.”

 

Sakaling makatrabaho niya ang idol na sina Jodi at Mon sa isang project, ano ang mafi-feel niya?

 

“Diyos ko! Sobrang magiging masayang-masaya ako niyon, at the same time, mape-pressure dahil sobrang galing po nila and ako wala pa naman po akong napapatunayan sa showbiz,” wika ni Kamille.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …