Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

CEO-President ng Beautederm, ‘di titigil sa pagtulong

MULA day one ng Pandemic Covid-19, naging abala na sa pagtulong ang generous na CEO-President ng Beautederm na si  Rei Anicoche-Tan sa mga taong naapektuhan ng epidemya.

 

Mula sa paminigay ng alcohol sa Angeles City Government sa Pampanga na ang Beautederm mismo ang gumawa ng alcohol ay sinundan nito ng isa pang proyekto, ang Luxury For A Cause na ibinenta niya sa kanyang personal FB account sa pamamagitan ng bidding at auction ng marami sa kanyang mamahaling gamit na ang kinita ay itinulong sa ating mga frontliner at sa ating mga kababayang nangangailangan ng tulong.

 

Post nga nito sa kanyang Facebook, “Sa mga nagbid po at nagbayad kagabi! Eto na po!! First batch nabili sa #LuxuryForACause Natin! 400 Pcs PPE Surgical Gowns! Thank you po God bless!! Thank you for saying #YestoLove #ContriBeauT #Beautéderm”

 

Nasundan pa ito ng pangalawang Luxury For A Cause na ang kinita ay ipinambili naman ng food packs para sa mga kababayan at kabarangay ni Rhea sa Vigan, Ilocos Sur. Naging punong-abala at nag-asikaso rito ang kapatid niyang si Bambie Anicoche.

 

At muli nitong post sa kanyang FB account, “Luxury For A Cause Part 2! Nakabili na din po ang aking pamilya sa Ilocos Ng pamimigay sa aming mga kabarangay Maraming salamat po ulit sa mga sumali sa Bidding ! God bless us all! Thank you for saying #YesToLove #ContriBeauT”

 

Tunay nga ngang likas na matulungin si Rei at asawa nitong si Sam at ang buo niyang pamilya na laging bukas ang palad sa pagtulong ‘di lang sa malalapit nilang kaibigan kunndi sa lahat ng taong nangangailangan ng tulong.

MATABIL
ni John Fontanilla

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …