Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

ECQ bago tanggalin… Balanseng desisyon sa buhay at kabuhayan ng Pinoys target ni Duterte

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go, kapakanan at kalusugan ng mga Filipino ang una sa konsiderasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ilalabas nitong desisyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

Sinabi ni Go, binabalanse ni Pangulong Duterte ang sitwasyon tulad ng buhay ng tao, pangkabuhayan para may makain ang mga mamamayan at ang kapakanan ng frontliners.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Go na dapat hintayin ng  lahat ang susunod na desisyon ni Pangulong  Duterte kung palalawigin ang enhanced community quarantine  o luluwagan na sa mga piling lugar.

 

Mas mahalaga aniyang mapababa na ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 para sa kaligtasan ng mayoryang Filipino.

 

Pinasalamatan din aniya ni Pangulong  Duterte ang mga dumalo sa pulong para matulungan siyang magpasya kabilang ang limang dating health secretaries ng bansa, Cabinet Secretaries at iba pang opisyal.

 

Samantala, kinompirma ni Go na bilang  senador at Chairman ng Senate Committee on Health, sang-ayon siyang iba ang kaso ng National Capital Region dahil dito ang may naitalang pinakamaraming positibong kaso ng COVID-19. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan Cynthia Martin

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …