HINDi ikinahihiya ni Darwin Yu na sabihing nagsimula siya sa showbiz bilang extra. Taong 2014 nang subukan niya ang kapalaran sa mundo ng showbiz, mula rito, hindi niya inaasahang magkakaroon siya ng puwang para maging ganap na aktor.
Pagbabalik-tanaw ni Darwin, “Una, nag-iikot-ikot lang po ako sa ABS CBN, nagbabakasakali po na baka may audition or may taping akong makita. Hindi ko pa po kasi alam na may mga agencies pala.”
Patuloy pa niya, “Then one time, may nakakita sa akin sa ABS na talent handler, inalok ako if gusto kong mag-extra sa LUV U nila Alexa Ilacad and company and I said ‘yes!’ Siyempre, hahaha! Tuwang-tuwang ako noon and ang TF ko pa lang ay P500 per day! Pamasahe and pangdagdag baon ko sa school iyan.
“Doon, nalaman ko na may mga audition-audition pala. Nag-try ako and nag-try din ako mag-PBB. Hangang sa nag-workshop na ako sa ABS CBN.”
Si Darwin ay half Chinese, siya ay 23 years old at tubong San Fernando, Pampanga. Graduate siya sa Trinity University of Asia wih a degree ng Bachelor of Science in Tourism Management.
“I am proud to say that I graduated on time kahit pinagsabay ko ang school and showbiz,” pakli pa ng binata.
Itinuturing ni Darwin na biggest break sa showbiz ang maging lead actor ng pelikulang 1st Sem.
“My first big break po ay yung 1st Sem movie with Ms. Lotlot de Leon. Lead role po ako rito and sobrang memorable nito sa akin, plus, ang dami kong natutunan po rito.
“Pumunta pa kaming India for International film festival. Nag-Cebu rin kami… I was also nominated sa PMPC Star Awards for Movies as Best New Movie Actor of the Year. Best Actor sa Madrid international film festival,” pahayag pa ni Darwin na isa sa talents ng Asterisk Management ni Kristian Kabigting.
Ano ang pinagkaka-abalahan niya bago nagka-lockdown dahil sa coronavirus?
Aniya, “Before lockdown, busy na po ako sa pag-prepare for my role sa BL series namin ni Enzo (Santiago). And also may mga gatherings and meeting with my management (Asterisk Management) and my manager Kristian Kabigting. Also, I am working din sa Cubao. May tinatayong cinema cafe. It’s a new concept specially sa mga film lover, ako ang magha-handle nito.”
Sina Darwin at Enzo Santiago ang tampok sa upcoming Filipino BL series na My Extra-Ordinary. Ang BL ay short for Boys Love at ang serye ay magpi-premiere sa TV5. Ito ang first television project ngayong 2020 ng AsterisK.
Humingi kami nang kaunting background sa serye nilang ito.
“Ito po ang first Pinoy BL series on Philippine TV! This series was inspired from a Thai series. It’s an extra ordinary love story of two people which revolves in the past of the two characters. Very exciting iyong twist, kaya lang I can’t reveal too much pa po.
“I’ll be playing Shake, one of the male leads. Shake is a law student looking for justice for himself and for his family,” wika pa ni Darwin.
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio